"Will you erase that frown off your face, babe? Kanina pa patingin-tingin sa'yo 'yung mga bata." Damon looked at me but instead na sundin ang sinasabi ko ay lalo siyang sumimangot. He was sulking. Paano kasi ay pinagtulungan naman siya nina Papa at Dad kanina. He was excited to drive our car on our way to Azyra's house but then at the last minute, I changed my mind of him driving. Hindi sa hindi siya magaling magmaneho pero hindi siya sanay sa diskarte ng pagmamaneho rito sa Pilipinas. Iba rin ang ugali ng mga tao na halos walang disiplina. Pumapatol pa naman ang asawa ko sa mga bastos na drivers. Kaya ayun. Napagdesisyunan namin na iba na lang ang nagmamaneho ng sasakyan na maghahatid sa amin sa bahay nila Azyra at Martinne. At ayun nga, kanina pa nagtatampo si Damon ngunit hindi niya m

