He knows the nature of my work. I'm sure he would understand it, right? Dahan-dahan ko na lang siya tatanungin para hindi niya mahalata ang motibo ko. But then it's about work! Kapag hindi ko sinabi sa kaniya, baka isipin niya na pumayag lang ako na maging girlfriend niya para sa trabaho ko. Hindi naman iyon ang totoo. Pero kung sasabihin ko naman... Umiling-iling ako. Hindi naman siguro ganoon si Julian. Sa katunayan ay natandaan ko na sinabi niyang papayag siya na interview-hin ko siya kapag pumayag akong lumabas kasama siya. That means, he would let me know the things people are curious about. Isa na ako roon. I smirked when I saw his name blinking on the screen of my phone. Huwag ko na lang kaya sabihin? I'm sure he would know my purpose once I started to squeeze some juices fro

