"Ikaw ang boyfriend ng anak ko," si Papa iyon na striktong strikto ang dating. Napasimangot ako. He's scaring Julian. Kanina pa nga siya kinakabahan at hindi ko alam kung paano iyon maibsan. I just want this night to end well so we can now excuse ourselves. Pero alam kong impossible na maaga itong matatapos. Si Julian ay pilit nagpaskil ng malaking ngiti habang patuloy ang pag-uusap. My parents had no hesitation interrogating him nonstop. Kahit sina Tita Jill, tinatanong din nina Mama. Ako na nga ang nahihiya sa pinaggagawa nila. Hindi ko rin naman sila mapigilan dahil alam kong wala rin iyon magagawa. I know they agree with Julian being my boyfriend. Katulad ko, wala rin naman silang magagawa pa. I chose him and I will always choose Julian no matter what. "Opo," si Julian. Tumikwa

