GIVE AND TAKE Kaagad na tumalima ang mga lalaki sa utos ni Sebastian. Muli ay malalakas na daing ang bumalot sa buong lugar. Halos hindi ko na marinig ang sariling paghikbi dahil sa nakakapanindig balahibong mga sigaw. Sigaw na puno ng sakit...nang hinagpis. They were tortured in front of me! Nakaawang ang bibig ni ina at kitang-kita ko ang paghihirap nito sa paghinga. Napailing ako nang makita ang wala ng malay na si ama. Kahit ganoon na ang kalagayan nito ay hindi parin siya tinitigilan sa paglalatigo. Naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig. Gusto kong pagmumurahin ang mga walang awang lalaki na humahampas sa kanila pero natatakot akong magkamali. Sa bawat hampas ng latigo ay siya ring pagbibilang ng mga taong nakapalibot sa amin. Napapikit ako ng makita ang dugong nagmamarka sa da

