HAPPY BIRTHDAY Isang linggo na ang nakakalipas simula noong mangyari ang trahedya sa pagitan ko— nang Don—ni Mr. Deluca at ni Sebastian. Ibinalik ako sa bahay aliwan. Mahigit tatlong araw rin akong nakaratay sa kama dulot ng tinamong tama. It's not that deep. Sa isang linggong iyon ay wala paring nangyaring magandang pagbabago. Ganun parin ang trabaho ko, nakikipagsapalaran sa hirap na tinatamo dito sa bahay aliwan. Ang tanging ipinagpapasalamat ko na lamang ay ang pagkawala ng presensya ng Don. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dito, pati narin si Mr. Deluca at ang mga kasamahan nito. Kasalukuyan kaming nag-aayos at naglilinis ng katawan para sa dadaluhang kasiyahan sa mansyon. Ngayon ang kaarawan ni Gissele. Pinapapunta ang mga babae sa bahay aliwan upang maging tagasilbi sa mga la

