Jesserie's POV "Hoy! Tulala ka na naman diyan." Sambit ni Avery habang nakatingin sa akin. "H-hah?" Naguguluhan kong tanong sa kanya ng biglang manliit ang mga mata nito. "Sabi ko na eh, hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko. Tawagan mo na lang ako kapag maayos na ang utak mo." Natatawang sabi nito kasabay ng pagkindat. "Ewan ko sayo." Inis na sabi ko sa kanya at bigla na itong umalis at naiwan ako dito sa library ng school. Bakit kasi ang daming binigay na mga assignments ng gurang na 'yon, tuloy nahihirapan na ako. Napabuga na lamang ako ng hangin at tinuloy na ang pagsusulat ng mga assignments para bukas, kumukuha na rin ako ng mga information para sa report bukas. "Busy?" Napatingin ako sa lalaking umupo sa harap ko and it's Damon at bakas sa mukha nito ang saya. "Ano na naman D

