Allison's POV "Ate pinabibigay sa'yo." nakangiting sabi ni Abi habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. "H-hah? kanino galing yan Abigail?" naguguluhan kong tanong dahil sino naman ang magdadala ng ganyan sa akin. "hindi ko kilala ate pero inabot niya sa akin sabi ibigay ko sayo at binigay naman niya sa akin itong barbie." masayang sabi nito habang yakap ang barbie. Kahit naguguluhan ay kinuha ko na lang ang bulaklak at ngumiti kay Abi. "sige na pumasok ka na sa loob." napatango ito at pumasok na sa loob habang tulala pa rin akong hawak itong tumpok ng bulaklak. Nakunot ang noo ko ng makitang may isang maliit na papel at ganoon na lang ang paglaki ng mata ko-- galing kay Jaycob? ibig sabihin tinotoo niya ang sinabi niya? pero bakit? *bzzt naramdaman kong tumunog ang phone ko a

