Allison's POV Dalawang linggo na ang nakakalipas at hindi ko man lang napansin na laging kong nakakasama si Jaycob. Lagi niya akong sinasama tuwing weekend sa alis nila kasama si Naja, Ella at ang iba pa. Nakakailang dahil sa tuwing may alis ay kasama si Lion at hindi ko kayang tagalan na makasama siya. Sinusubukan kong umiwas pero walang silbi dahil nagkikita at nakikita kaming dalawa. "Allison, ano may nakita ka na ba?" tanong sa akin ni Ella habang hawak ang paper bag na puno ng mga pandisenyo para sa gaganapin na school fest. Napailing na lang ako sa tanong niya at napakamot na lamang siya sa batok. "wala akong makita dahil halos lahat naman ng nandito ay magaganda." natatawang sabi ko dahil totoo naman talaga. Nandito kami ngayon ni Ella sa mall habang sila Naja naman ay nasa iban

