Ella's POV Natawa ako ng makita ang itsura ni Ally na humihingi ng tulong pero kumaway lang ako. "hey." napatingin ako sa likuran ko at parang napatulala ako dahil nakangiti nitong itsura. "K-Khirt, paano ka nakapasok dito?" naguguluhan kong tanong dito at pinakita niya sa akin ang pass card niya. "Mukhang nag-iisa ka lang kaya pumunta talaga ako dito para samahan ka, lets go?" nakangiting tanong nito at nilahad ang kamay, kusang gumalaw ang kamay ko at tinanggap ito. Hindi ko mapigilang mapangiti at tila amy nagliliparang paru-paro sa tiyan ko-- kalma Ella si Khirt lang yan baka mahimatay ka pa "tara na." nakangiti kong sabi sa kanya at nagsimula na kaming lumibot dito sa campus dahil maraming mga booths ang nandito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Ally point of view

