Allison's POV Nang makabili na ako ng mga swuimsuit ay nagsimula na akong maglakad pauwi para mag-ayos ng sarili. Naabutan ko si Abi na abala sa pag-aaral. Matagal na ang nakakalipas at mas lalong gumaganda ang kapatid ko Hay nakakainggit. "oh Ally saan ang punta mo?" tanong ni Mama. "Pupunta lang po ako kila Naja para sorpresahin sila." excited kong sabi kay Mama at natawa lamang ito. "Mag-ingat ka." Tumango ako sa sinabi ni Mama at sumakay na ng taxi papunta sa bahay nila Jess. Hinanda ko na ang sarili ko at tinext si Jesserie na papunta na ako. Nagreply naman agad siya na kanina pa sila naghihintay at mukhang naiinip na 'yung iba. Hindi kasi nila alam na darating ako kaya iniisip siguro nila kung bakit sila naroon. Paniguradong naiinip na ang mga 'yon. Ng makarating na ako sa bah

