Allison's POV "Ano?" sigaw ko sa kanya dahilan para mapatayo ito at tinakpan ang bibig ko. "huwag ka ngang sumigaw Ally." bulong niya at ngayon ko lang napansin na nasa amin na pala ni Naja ang atensyon nilang lahat na nandito sa coffee shop. Napangiti na lang ako kasabay ng dahan-dahan napag-upo. "nahihibang na ba 'yang Spade na 'yan? at kaya pala nakita ko siyang may kasamang ibang babae sa mall ay dahil wala na kayo." pagpapaliwanag ko rito dahilan para matauhan ako. Kita ko sa mata ni Naja ang lungkot kahit pa nakangiti ang mga labi niya. "maayos na ako Ally, salamat sa pag-aalala at ako nga dapat ang mag-sorry sayo dahil hindi ko man lang nasabi sa'yo na wala na kami." rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "ayaw kong abalahin ka, dahil may buhay ka rin Allison." nakangiting sabi n

