BANG! BANG! BANG! Muling bumalik si Wong Ming sa reyalidad. Kitang-kita niya kung paanong nakipagbuno si Prince Xing sa isang malaking Silver Arc Scorpion na isang Fourth Grade Beast na nasa peak level na ito. Alam ni Wong Ming na malapit na rin itong maging Fifth Grade Beast kapag na-consume na nito ang nasabing Ice Dragon Tears Herb. Sumabog ng malalakas ang mga lupang tinatamaan ng mga atake ng Silver Arc Scorpion. Lubhang mapaminsala at territorial ang nasabing magical beast na ito kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na hindi magiging madali ang labang ito kung siya ang lalaban. Mabuti na yan at para nay silbi pa rin ang prinsipeng si Xing sa kaniya. Hindi maaaring hindi niya gagamiting advantage ito upang makakolekta ng mga pambihirang cultivation herbs sa hilagang bahagi ng Smew Va

