•Four POV•
"andito na tayo babe" masayang sabi nito sabay halik sa cheeks ko kaya napangiti ako
"oum ang ganda nga" nakangiti ring sabi ko at hinawakan ang kamay nya
"atchuu" napahatsing ako bigla di ko alam kung bakit
"hayst babe pumasok kana roon baka mahawaan pako" sabi nito at binigay sakin ang bag nya
"sige" aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko
"ahm pahiram ako ng credit card mo babe may bibilhin lang ako" malambing na sabi nito
"ito..yan nalang natitira kung pera ingatan mo" sabi ko sabay abot sakanya ng credit card ko at umalis na
•••••••••
Habang naglalakad ako medyo nahihilo ako at sumasakit ulo ko, di ko napansin na may mababangga akong babae at....
Napatid ito bigla at nasalo ko naman ito saka kami nagkatitigan sa mata, ang ganda nya ah her pointed nose at ang braid style ng buhok nito na bumagay sa suot nyang dress....wait what the--- did i check her out?
"a-ah ayos kalang miss?" tanong ko sako ko sya tinayo
"I'm fine thank you, sana mag ingat ka naman at tumingin ka sa dinadaanan mo" parang slow motion na sakanya tumama ang sinag ng araw at nakita ko ang maganda nitong mukha...
"s-sige" yun lang nasabi ko at naglakad na ito papalayo sakin.
•Someone's POV•
"sige na ma'am Samantha wag nyong kunin samin ang isla" pagmamakaawa ko sakanya
"I made my mind...di nayun magbabago wag nyo nakong pilitin may pupuntahan pako" sabi nito aalis na sana sya pero pinigilan ito ng kasama ko
"bago kayo umalis ma'am uminum nyo po sana itong inihanda ko para sainyo" sabay at nito kay Samantha ng baso...
"sige pero di parin magbabago isip ko!" sabay inum nito at umalis sa harap namin
"nalagay mo ba???" tanong ko sakanya
"HAHAHAHA ako pa? ito kaya ang ginamit ko sa asawa ko at ito rin ang pinagpasapasahan ng lahi natin walang palya toh!" napangiti naman ako sa sinabi nya
"ang galing talaga natin kapatid ko!" sabay yakap ko sakanya
'magsisi ka Samantha Lorenzo' sabi ko sa sarili ko.