Hindi ako mapakali knowing na nasa kabilang kwarto lang si Styx. Hindi rin ako makalabas dahil alam kong nandoon siya. I don't know what to do! Parang ako pa ang nahihiya sa sarili kong bahay! Nakakainis dahil sa aming dalawa ako dapat ang hindi naa-awkard-an, siya nga 'yung bigla na lang pumasok dito at basta na lang nagsabing dito siya mags-stay. Nakakainis pero hindi ko maiwasang tahimik na matuwa. Inis kong sinabunutan ang buhok ko bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Sumilip pa uli ako sa salamin at ch-in-eck kung maayos na ang itsura ko. Nakasuot na lang ako ng white t-shirt at cotton short para sa pantulog. Hindi na 'ko nag-abalang maglagay pa ng makeup dahil gabi na rin naman. Pinihit ko ang seradura ng pinto at lumabas. Dahan-dahan akong sumilip sa pinto ng kwarto n

