Ilang minuto na tumagal ang pag-iyak ni Mimi at Wilma matapos na pareho sumandal sa tig-isang balikat ni Britzstone. Nakaramdam man ng pangangalay si Britzstone ay tiniis niya para sa dalawang babae na katabi na niya. Nakasandal sa kanya. Sa magkabila niyang balikat. Tahimik lang si Britzstone habang nagsasalita si Wilma nang malakas at minumura ang kanyang demonyong asawa. Habang si Mimi inaya pa ni Wilma na isigaw ang kanilang mga bigat sa puso nila. “P*t*ng-***! Mga g*g* kayo… Mga Wala kayong kwentang lalaki. T*r*ntado! Ang sarap niyong mawala sa mundo." sinisigaw ng dalawa. “Mga hayop! Walang puso puro kayo manloloko." sabi ni Mimi, sinundan ni Wilma. “Tama! Mga manloloko kayo. Mapanakit kayo sa pusong nagmamahal ng husto. Mga g*go! Mawala na kayong lahat." “Teka! Kasali ba ako

