Natulo muli ang luha ni Mimi sa kanyang mata. Naalala niya ang ilan pang mga sinabi sa kanya ng mga taong yon. Pero nanatili siya na hindi nagpapaapekto sa lahat ng mga sinasabi ng mga ito. Ipinakikita niyang kaya niya. Na matatag siya at kaya niyang tapatan ang kayang gawin ngayon ng Ate Sheila niya. Nagpupunas ng luha si Mimi. Nang ilang butil na luha ang tumulo muli sa kanyang mata. Na pahinga siya nang malalim saka na patingala sa langit habang sabi. “Mom, Dad! Kaya ko diba? May tiwala naman po kayo sa akin?" naiwika niya habang sa langit nakatingala. “Mimi?" wikang mahina ni Britzstone. Kangina pa siya nagtataka. Nung tinanong niya si Mimi. Hindi ito sumagot. Bagkus ay tulala ito at malalim ang iniisip. Kaya tahimik nalang muna siya na nakaupo sa tabi nito. Ayaw niya ist

