“Saan ba kayo nanggaling? M-mi..." nang matigil sa pagsasalita si Wilma at hindi siya pinansin ni Mimi. Naglakad lang ito nang tuloy-tuloy at hindi man lang siya nito nagawang tingnan, saka ang sagutin ang tanong niya. Tuloy-tuloy lang si Mimi, sa paglalakad ng diretso at hinintuan lang nito ang madalas niyang pwesto. Naiinis at naaasar siya kay Britzstone. Habang naglalakad kasi sila ay nagawa nitong inisin siya at asarin nang paulit-ulit habang pakiramdam ni Mimi ay tinatawanan lang siya ni Britzstone. Kaya naman mas binilisan niya ang kanyang paglalakad. Upang hindi na siya mahabol ni Britzstone. Kaya nga lang ay nahawakan siya nito sa braso. “Anong ba ang problema? Mimi, bakit uma-arte ka nang ganyan? Hindi kita maintindihan. Anong ginawa ko ba? Wala naman di ba? Ginaya ko lang n

