Second Life (Britzstone Imperial) Chapter 38 “Hanggang kelan pa? Hanggang ngayon hindi mo pa rin madispatya ang magkapatid na 'yon. Ang bobo mo. Pinaasa mo lang ako. Ang sabi mo madali lang tanggalin sa landas mo ang dalawang magkapatid na 'yon. Pero anong nangyayari? Bakit hanggang ngayon na nanatili pa ring buhay yung isa kahit in coma na! Bakit? Ganun ba kahirap ang patayin ang coma patient? O, baka naman ayaw mo lang talaga gawin?" Sinita niya ang kausap sa kabilang linya. Galit siya habang nagsasalita at sinasabi ang nais niya sabihin at pamumuna sa mga trabaho ng taong sinisita niya sa telephone. “Hindi 'ba sinabi ko na sayo, ipinaliwanag ko sayo kung bakit?" huminga ng malalim ito. “Kung bakit ganun!" dagdag niyang pahayag sa babaeng kausap. “Yes, oo! Sinabi mo 'nga. Pero bakit

