Chapter 6- Chances

1670 Words
Laine NILAMPASAN lang namin ni Anton si Nhel na masama ang tingin sa amin.Pain and jealousy was written all over his handsome face.What was that for?He's the first one who broke our promise years ago. Nang medyo malayo na kami sa kanya ng konti, nagsalita si Anton. " Baby mauna ka na sa room natin, hintayin mo na lang ako dun." " Why?" " Kakausapin ko lang tong ex mo, mukhang galit talaga. Para naman kumalma kahit konti kung magkakausap kayo." desidido na siya na magkausap kami ni Nhel. " Alright. Be sure na mag-uusap kayo ng maayos, alam mo na, galit yan at medyo nakainom kayo pareho." " No baby, trust me on this one." " Okay , I'll go ahead.Ingats hubby!" He just nodded and kissed me on the side of my head. Pagdating sa room namin, naligo lang ako at nagsuot ng pajamas.Pinatuyo ko ang buhok ko sa hair blower na nakita ko sa ibabaw ng vanity table habang hinihintay kong bumalik si Anton. Thirty minutes na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik.Nag-aalala na ako baka kung saan na napunta ang pakikipag-usap niya kay Nhel.Kaya napag-desisyunan ko ng puntahan siya sa labas. Muntik na akong mauntog sa pinto ng pagpihit ko ay siya namang pagbukas niya para pumasok.Papagalitan ko sana pero laking gulat ko ng mapagmasdan ko ang itsura niya. " OMG! What happened?!" hilakbot kong turan.Putok ang labi niya,may sugat ang gilid ng kilay at may pasa sa pisngi.At puro buhangin ang damit. " I tried to talk to him but he punched me.Galit na galit siya.Sorry baby, wala naman akong issue sa kanya pero hindi naman ako papayag na bangasin na lang niya itong gwapo kong mukha ng ganon na lang.Gumanti na rin ako.Hayun nauwi kami sa wrestling sa buhangin.Buti na lang dumating si Pete at naawat siya." I heaved a deep sigh.Sabi ko na nga ba kaya ako nag-aalala kanina pa. " Maligo ka na hubby para magamot ko yang mga sugat mo." pagtataboy ko sa kanya.Pagpasok niya ng CR saka ko naman inayos ang isusuot niyang damit pantulog. Ilang minuto lang ang lumipas at palabas na uli siya ng bathroom.Inabot ko sa kanya ang mga damit niya at nagsimula na siyang magbihis. Nang matapos siya ay hinila ko na siya paupo sa kama para gamutin ang kanyang mga sugat.Magpo-protesta sana siya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.Ayaw kasi niya ng dinadampian ng alcohol o betadine ang sugat niya. Masakit daw.Ang laking tao, takot pag ginagamot ang sugat niya. " Ouch naman baby, dahan-dahan lang naman." " O eh sino ba kasi may sabi na magbangasan kayo ng mukha ha?" mataray kong turan. " Eh siya naman ang nauna.Ang lagay hindi ko dedepensahan ang sarili ko.Ang mabuti pa baby puntahan mo na siya sa room niya at gamutin mo rin ang mga sugat niya.Napuruhan ko yata yung gwapo niyang mukha." Nag-alala naman ako kay Nhel dahil sa sinabi niya.Kawawa naman. Kaya lang baka hindi ako lalong kausapin nun dahil sa nangyari. " Ton baka lalo akong hindi kausapin nun." nag-aalala kong turan. " Laine chance mo na nga ngayon, ano ka ba? Siguro naman papayag yon kung sasabihin mong gagamutin mo lang yung mga sugat niya.Then pag pumayag, yun dun mo na kausapin.Pag sinungitan ka,hayaan mo lang.Hindi ka naman nun sasaktan,mahal ka nun." Napangiti ako sa huling sinabi niya. Para namang siguradong sigurado siya na yun pa rin ang nararamdaman ni Nhel sa akin.Wish ko lang. I sighed." Umm...Alright,if that's what you want.Magpahinga ka na at kung ano man ang mangyari,babalik ako agad." " Okay baby,matutulog na ako.Dalhin mo na lang yung susi at baka mapasarap ang tulog ko,walang magbubukas sayo. Napagod din ako dun ah!" Natawa na lang ako at kinuha na lang ang susi sa ibabaw ng mesa. Yumakap ako sa kanya at hinalikan naman niya ako sa ulo. " Okay, good night hubby. Wish me luck ha?" " Sige baby, cross fingers na nga ako oh." napangiti na lang ako ng itaas niya ang mga daliri niya. Lumabas na ako dala ang medicine kit ng masiguro kong nakahiga na siya para matulog. Pagdating ko sa harap ng pinto ng room na inookupahan ni Nhel, nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o babalik na lang sa room namin ni Anton. Gosh bakit ba kinakabahan ako ng ganito? Nanginginig ang kamay na naglakas loob akong kumatok.Ilang katok pa ng may marinig akong pag-click ng doorknob. Lord heto na po siya! Pagkabukas ng pinto.Isang bagong paligong Nhel ang bumungad sa akin. Napansin ko kaagad ang malaking sugat niya sa ibabaw ng kilay, putok ang labi at may black eye sa kaliwang mata. Lokong Anton yun ah,mukhang napuruhan nga niya! " What?" masungit niyang tanong. Kaya imbes na kapayapaan ang dala ko sa pagpunta sa kanya ay nairita naman ako sa paraan ng pagtatanong niya. Kaya ng sagutin ko siya, iba ang lumabas sa bibig ko. " Bakit naman ganon ang ginawa mo kay Anton? Wala namang issue sayo yung tao! Kung galit ka sa akin wag mo siyang idamay." " Ah, nagpunta ka dito para pagalitan ako kasi nabangasan ko yung gwapo at yummy mong asawa." may diin pa talaga sa pagbigkas niya ng mga salita. " Oo at kaya ako nandito para gamutin ka sa damage na ginawa niya dyan sa mukha mo!" " Wag na lang! Ang bait naman niya para papuntahin pa ang asawa niya dito gayong ako ang nag-umpisa." " Precisely, ganon siya kabait kaya ako nandito.Kaya hindi mo siya dapat idinadamay sa galit mo sa akin.So pwede na po ba kitang gamutin sir?" He heaved a sigh first.." Bahala ka!" At iniwan na ako sa nakabukas na pinto saka dumiretso ng upo sa kama. Ang sungit ha! Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya.Ibinaba ko ang medicine kit sa side table at inilabas ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng mga sugat niya. Medyo nanginginig ang kamay ko ng marahan kong idampi ang bulak na may alcohol sa sugat niya. " Ouch! Dahan-dahan naman babe, bakit ba nanginginig yang kamay mo?" napatulala ako hindi dahil sa pagsusungit niya kundi dun sa salitang binanggit niya. Babe... Parang normal lang ng banggitin niya yung endearment niya sa akin,parang hindi naman niya napansin na nabanggit niya. " Sorry masakit ba?" " Sobrang sakit!" " Ha?" sambit ko, parang iba naman ang pinatutungkulan niya sa sakit na sinasabi niya. " Yung sugat na iniwan mo five years ago, lalo lang kumirot ngayong bumalik ka na." hindi ako kumibo,tinuloy ko lang yung ginagawa kong paggamot sa mga sugat niya sa mukha. Hindi na rin siya kumibo at hinayaan na lang niya akong tapusin ko ang ginagawa ko. Nang matapos na ay iniligpit ko na ang mga gamit sa medicine kit.Nang akmang lalabas na ako ay nagsalita siyang muli. " Bakit bumalik ka pa Laine? Para ba ipamukha lalo sa akin yung ginawa kong pagpapakasal sa iba? Na kung kaya kong gawin ay kaya mo ring gawin?Nangako ka na babalikan mo ako pero hindi mo ginawa dahil nag-asawa ka na rin. Ngayon bumalik ka para isampal sa mukha ko ang katotohanan na wala ng tayo.Naghintay ako Laine, na kahit na nung mabalitaan ko na nag-asawa ka na, naghintay pa rin ako.Umaasa ako na sa kabila ng lahat babalik ka pa rin para tuparin mo ang pangako mo." Hindi ako kumikibo.Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa mga mata ko.Bumabalik na naman kasi sa akin yung sakit ng nakaraan sa mga sinasabi niya. " Ayokong tumigil sa pag-asam na babalik ka pa kahit pakiramdam ko pagod na ako. Kapag tumigil na ako, tapos na ba? At kung sa huli wala na pala akong hihintayin, makakaya ko ba? Kasi Laine hindi ko kaya na makita yung taong hinihintay ko ay may nagmamay-ari ng iba.Pero ganun talaga, kahit hindi ako tumigil o tumigil man ako, wala na, tapos na.Tinapos mo na nung hindi mo na ako binalikan kaya hindi mo ako masisisi kung magalit man ako.Masakit eh.Sobrang sakit." Mahabang katahimikan ang namayani sa amin bago ako nagsalita.Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang luha ko ng humarap ako sa kanya. " Bumalik ako!" bulalas ko pagharap ko sa kanya. " What?" gulat niyang tanong. " Oo Nielsen, bumalik ako pagkatapos ng isat kalahating taon matapos kong ayusin ang sarili ko.Pero ano ang dinatnan ko? A picture of a perfect family.Gusto kitang sorpresahin nun sa pagbabalik ko. Handa na akong ayusin ang lahat sa atin. Handa na akong bawiin ka kay Marga. Handa sila dad na tulungan tayo sakali mang umabot tayo sa korte para mabawi kita. Pero ako ang nasorpresa mo.Nakita kita na masayang-masaya habang pinagmamasdan mo at hinahagod sa ulo ang sanggol na pinapaarawan niyo ni Marga.Yun ang eksena na nagpaguho sa paninindigan ko.Ano ba ang sinabi ko sayo bago tayo naghiwalay? Babalikan kita basta't hindi ka gagawa ng dahilan para hindi kita balikan.May anak kayo Nhel, ikaw ang unang sumira sa pangako hindi ako.Ngayon kung mayroon mang Anton sa buhay ko, yun ay dahil sa wala na akong babalikan dito! " hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Sa tuwing mababanggit kasi ang nakaraan,kumikirot ang puso ko. Nakatulala lang siya na tila ina-absorb ang lahat ng sinabi ko. Kaya kinuha ko ang pagkakataon para makaalis na tutal nasabi ko na yung mga dapat kong sabihin.Siguro naman hindi na niya kami aawayin ni Anton ngayong alam na niya ang lahat.Hindi pa pala lahat, bahagi pa lang pala ng katotohanan.Saka na yung iba pag ayos na ang lahat. Nung akmang pipihitin ko na ang doorknob para lumabas, nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin at kulungin sa mahigpit na yakap. " Please stay with me here tonight babe!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD