CHAPTER 13- Memories

1913 Words
Laine NASA harapan na kami ng bahay namin ni Nhel.Ilang minuto na kaming nakatingin lang sa bahay habang nakaupo sa loob ng kotse. Maraming alaala ang bumuhos sa akin habang nakatingin ako sa garden.Dati kasi bago ako pumasok ng school, dinidiligan ko ang mga tanim naming mga halaman at sa hapon naman kapag si Nhel ang nauna sa pag-uwi,siya ang nagdidilig.Alagang-alaga namin ang mga halaman dahil pareho kaming mahilig sa mga ito.Buti naman napanatili niyang maayos ang garden. " Let's go babe! Ano dito na lang ba tayo hanggang mamaya?" medyo nagulat ako nang magsalita siya at natatawa na siya nung harapin niya ako. Alanganin akong ngumiti.Kasi naman nostalgic na ako tapos hindi ko pa alam kung dapat ba akong kabahan ngayong magsosolo na naman kami. " Ikaw na ang magpasok sa kotse at ako ang magbubukas sa gate." sabi niya sabay labas sa driver's seat para buksan ang gate.Lumipat naman ako para imaneho papasok ng garahe ang kotse. Nang maisara na niya ang gate ay nauna na siya para buksan ang front door. Sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay tila patak ng ulan na bumuhos sa akin ang lahat ng alaala namin sa bahay na ito.Pinagmasdan ko ang kabuuan nito,walang nabago sa ayos.Kung paano ko ito iniwan ay ganun pa rin ito. " Tapos ko na itong bayaran. Nasa akin na yung titulo at nakapangalan sa ating dalawa." turan niya na nagpalingon sa akin sa kanya. " Really? I'm happy to hear that." hinila niya ako paupo sa couch at kinandong niya ako.Hindi na ako tumutol sa ginawa niya. Ganito kami noon nung magkasama pa kami sa bahay na ito. Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinahalikan ako sa balikat.May kilabot akong naramdaman sa pagdampi ng labi niya sa balat ko. " I miss you so much babe.Ang tagal kong hinintay na mayakap ka uli ng ganito.Akala ko hindi na mangyayari ito.Kung panaginip ito, wag mo na akong gisingin." " Grabe siya oh.Pero alam mo natutuwa ako na ganito pa rin ang ayos nito,mula sa garden hanggang dito sa loob walang pinagbago." " Ayoko kasing baguhin dahil ikaw ang nag-ayos. Para kapag umuuwi ako dito iisipin ko na nandito ka lang. Medyo nababawasan ang sakit na nararamdaman ko pag ganon." lalo niya akong niyakap ng mahigpit.Humarap ako sa kanya at iniyakap ang mga braso ko sa leeg niya. " Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ko nung iniwan mo akong mag-isa sa bahay na ito.Akala ko nga kaninang pumasok tayo dito,magbe- breakdown ako pero napatunayan ko na naghilom na pala yung sugat ng nakaraan. Nag-iwan man ito ng peklat na nakapag-papaalala sa lahat ng nangyari pero hindi na ganun kasakit.Acceptance lang naman ang kailangan para ka maghilom at ikaw mismo sa sarili mo ang makakagawa nun." " Acceptance.Yun ang hindi ko nagawa sa loob ng limang taon na wala ka sa buhay ko.Ikinulong ko ang sarili ko sa nakaraan dahil yun ang bumubuhay sa akin sa araw-araw. Naging miserable kasi ang buhay ko sa piling ni Marga kaya ang naging outlet ko ay yung mga alaala na lang natin.Kaya sana babe, bumalik ka na sa akin ng makaahon na ako dito sa buhay na kinasadlakan ko." malungkot na turan niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang namumuong butil ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ako kumibo.I just nodded.Hindi ko kasi alam ang tamang salita na dapat sabihin.Nangako ako kanina na dalawa kaming lalaban pero hanggat hindi ko naaayos ang lahat sa amin ni Anton, hindi ko mahaharap ang sa aming dalawa.Ang gusto ko kasi bago ko harapin si Marga, wala na kaming problema ni Anton. Maaari kasing magamit ni Marga yun laban sa akin. " Baka nagugutom ka, may pagkain dyan sa ref initin na lang natin." alok niya sa akin. Umiling lang ako.Mas gusto ko yung ganito lang muna kami.Kaya naman mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya at sumandal sa dibdib niya.Siya naman panay ang halik sa ulunan ko. Na-miss ko tong ganito kami. Nang medyo matagal-tagal na rin kami sa ganung posisyon ay niyaya na niya ako. " Halika dun na tayo sa room para makapag-pahinga. Ang bigat mo na kaya nangalay ako." Kinurot ko siya sa tagiliran.." Bawiin mo yang sinabi mo, hindi ako mabigat noh!" " Aray! Hahaha..sige hindi na.Grabe ka hanggang ngayon amazona ka pa rin." natatawa na siya. Yung masaya talaga na abot sa kanyang mga mata. Ipinagpasalamat ko yun dahil naglaho na yung luha na nagbabadyang mamuo sa mga mata niya kanina. Natahimik naman ako bigla.Naisip ko na naman kasi si Anton.Kung dito ako matutulog malamang magalit sa akin yun kahit na kasalukuyang nakikipag-harutan yun kay Lianna. " Uy, galit ka ba?" bigla akong natauhan ng magsalita si Nhel. " Huh! Hindi,hindi." " Eh natahimik ka kasing bigla." " Naisip ko lang si Anton." He sighed.." Si Anton na naman!" " Uy selos ka na naman.Siyempre magtataka yun kung bakit hindi ako uuwi sa bahay.Bakit ikaw ba hindi ka nag-aalala na baka hanapin ka ni Marga?" " Wala siya, nasa Singapore. Three months siya dun.May itinatayong branch ang company nila doon." " Ah kaya pala malakas ang loob mo na dalhin ako dito kasi wala kang guardia civil." " Hindi ah! Wala siyang alam na may bahay tayo.Ang alam niya kapag hindi ako umuuwi ng Sto.Cristo, sa bahay na provided ng company ako umuuwi kasama ng mga trabahador." " Mabuti naman.Akala ko pati itong bahay natin eh na-invade na niya." " I won't let it happen.Sa ating dalawa to kaya wala siyang karapatan.So,paano ka naman ngayon sa Anton mo? Hindi kita papayagang umuwi dahil sobrang gabi na." Napaisip ako.Bahala na nga.Kung siya nga wala rin sa bahay ngayon. Tumayo ako at hinagilap ang phone ko sa bulsa. " Wait lang tatawagan ko siya." paalam ko sa kanya. " Sige pasok lang muna ako sa room natin, aayusin ko lang." hindi na niya ako hinintay sumagot dumiretso na ng pasok sa kwarto.Mukhang nainis yata dahil tatawagan ko si Anton.Seloso talaga. I dialled Anton's number. Nakailan pang ring bago niya sinagot ang tawag ko. " Yes baby? ohhh.. " sagot niya in his erotic voice. " Gosh,Tonton your voice is so annoying." naiinis na bulong ko.Grabe naman kasi wrong timing ako. Nagja-jack en poy yata sila ni Lianna. " Bakit ba kasi baby? We're on the middle of our.. ahhh... you know.Spill it now, mabibitin ako nito." sabi pa niya uli sa kabilang linya. " Eh bakit sinagot mo pa ang tawag ko? Kasalanan ko pa ngayon kung mabibitin ka?" naiimbyerna kong sambit. " Alam mo naman na kapag ikaw ang tumatawag, kahit ano pa ang ginagawa ko, sasagutin ko yon. Bakit nga kasi? Baby naman dali na, I'm near na—ohhh my gosh! " jusko po! dinig na dinig ko na halos mamilipit siya sa kabilang linya. " I'm with Nhel,uuwi ka ba sa bahay? Siguradong tatanungin tayo ni mommy .Dapat sabay tayong umuwi." pabulong na tanong ko. " Really, you're with Nhel? Uhmmmm.Take your time,make sure maaayos niyo kung ano man ang dapat ninyong ayusin.ohhhh my God hon..ahhh..Ako na bahala kay mommy bukas or text mo ako para masundo kita.aahhh! " himala hindi ako pinagalitan at hindi rin nagtanong. Tsk! Nagagawa nga naman ng jack en poy. " Alright mister.Magkita na lang tayo bukas...and shocks Tonton hindi ka na nahiya sa akin! Your erotic voice is so annoying!" pagtatapos ko ng usapan. " Ohhhh. I'm sorry baby, take care." at nagmamadaling ibinaba na niya ang tawag. Tsk.nagmamadali ang mokong. haha.baka mabitin nga naman. Natatawang, naiiling na lang ako habang papasok ng room.Pagdating ko ay wala si Nhel dun.He's taking a shower I guess dahil sa lagaslas ng tubig na naririnig ko mula sa bathroom ng kwarto. Parang medyo na-eexcite ako sa maaring mangyari pero pinalis ko yun sa isip ko.Kailangan maging matatag ako dahil nangako ako kay Anton. Kaya lang nung lumabas siya na nakatapis lang ng towel at labas ang pandesal kahit gabi na ay biglang gumuho ang paninindigan ko.Nainitan ako bigla at parang ipagkakanulo na naman yata ako ng katawang lupa ko. At nakumpirma ko yun nung lumapit si Nhel sa akin at isara ang nakaawang kong bibig. Dyaske, nakakahiya talaga napa-nganga na naman ako eh. " Babe tulo laway ka na oh!" natatawang biro niya. " Sira wala naman." sabay kapa sa bibig ko.." kung makapag-balandra ka naman kasi ng abs eh,alam mo ng marupok ako dyan!" " Hahaha...hay ang asawa ko talaga hindi pa rin nagbabago.Sige na mag-shower ka na.Nandyan pa rin sa closet yung mga damit mo." pagtataboy niya sa akin. Nagmamadali na akong pumasok sa bathroom.Bwisit talaga yun hanggang ngayon mapang-asar pa rin. Naka pajama na ako ng lumapit ako sa kanya sa kama.In fairness, kasya pa rin sa akin ang damit ko at mabango pa na parang bagong laba.Siguro pinapalabhan niya pa rin para hindi mangamoy luma. " Dun ka sa dati mong pwesto babe." turo niya dun sa gilid sa may pader. Marami kasing unan kaya yun ang gusto kong pwesto. Hinakbangan ko siya at akmang mahihiga na ako ng may maalala ako. " Bangon muna dyan beh at mag-pray muna tayo." bumangon naman siya at hawak kamay kaming nanalangin. Nang matapos ay sabay pa kaming nahiga.Kinabig niya ako papunta sa kanya at niyakap ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga. " Beh naman hindi na ako makahinga, konting distansya lang baka magkapalit na tayo ng mukha nyan." Natawa lang siya at medyo niluwagan na ang pagkakayakap sa akin. " Alam mo naman na sobrang na-miss kita." saad niya habang hinahaplos ang bawat parte ng mukha ko.Tapos binigyan naman niya ng maliliit na halik ang parteng hinaplos niya, hanggang sa sakupin na niya ang labi ko.Banayad lang, walang pagmamadali na banayad ko rin naman na tinugon.Ilang minutong ganun lang.Mas masarap pala pag ganon, mabagal, hindi nagmamadali. Hindi mapusok.Parang mas napi-feel niyo yung pangangailangan ng isat-isa.Mas nakaka-excite na abutin yung kung ano man yung gusto ninyong maabot. " I love you babe." sambit niya ng bumitaw na kami sa masarap na halik na yon. Pinagdikit niya ang mga noo namin. " I love you too beh, walang nabago." Ngumiti lang siya at inabot niya muli ang labi ko.Naramdaman kong kumilos ang kamay niya at hinahaplos ang balikat ko pababa sa bewang ko at doon nagtagal.Kinikilabutan ako sa bawat dantay ng mainit niyang palad sa katawan ko.Manipis lang kasi yung pj's ko kaya ramdam ko yung init. Parang naliliyo na ako sa sobrang sensasyon na nararamdaman ko. Shocks haplos pa lang niya yun ah. Napaigtad ako ng dumapo at bahagyang pumisil ang kamay niya kay B1 at yung labi naman niya ay bumaba na sa leeg ko. OMG! Kung yung micro nutrient deficiency ay kailangang labanan, yung halik ni Nhel ay hindi ko kaya.May energy gap ako pagdating dun. Kakaisip ko ng kung ano-ano, hindi ko namalayan na nagtagumpay na pala siya na alisin ang pajama top ko. Jusmiyo! wala akong suot na bra kaya nalantad sa paningin niya si B1 at B2. " Beautiful!" bulalas niya na puno ng paghanga. Forgive me Anton. The spirit is willing but the flesh is weak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD