CHAPTER 8- Billboards

1495 Words
Laine MEDYO tanghali na nung magising kami.Maya-maya lang nakarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto. Pupungas-pungas akong bumangon at pinagbuksan ang kumakatok.Si Candy ang nasa labas, ngumiti agad ng makita ako. " Insan tara na breakfast na raw tayo.Sabay-sabay na raw kasi aalis na sila Rina after para sa honeymoon nila sa Boracay." " Ah sige susunod na kami agad ni Anton, magliligpit lang muna kami.Thanks insan." malapad ang ngiting turan ko sa pinsan ko. " Sige maghihintay kami sa dining, bilisan niyo lang." tuluyan na siyang umalis at binalikan ko naman si Anton para ligpitin na ang higaan namin. " Are you ready baby? " biglang tanong ni Anton na ikinakunot ng noo ko. " Ready for what?" " Ready to face him after what happened between the two of you last night." tugon niya. Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip. Paano ko nga ba haharapin si Nhel matapos ang isang gabing pagkalimot namin? " Sa totoo lang hubby, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin ng hindi ko naiisip yung isang gabing karupukan ko. Feeling ko, sa tuwing makikita ko siya, gusto kong magtago na lang." " Magtago?" " Oo, magtago. Nahihiya ako kasi hindi man lang ako nagpakipot. Alam mo yun. Hinalikan lang ako, hayun bumigay na agad ako. Bigay na bigay pa talaga. " bigla namang humalakhak ang mokong ng marinig ang sinabi ko. " Anong nakakatawa hubby? Kung makatawa ka naman diyan, wagas. Kita ko na yang ngala-ngala mo oh! " " Kasi naman baby, ngayon ka pa talaga nahiya. Asawa mo naman yun kaya hindi na nun iisipin kung bakit hindi ka na nagpakipot. Come on, don't take it seriously. Just be yourself when he's around. Deadma lang. Huwag mong masyadong ipahalata na hanggang ngayon patay na patay ka pa rin sa kanya. " " Hubby! Anong patay na patay? Grabe ka sa akin ha! " nayayamot kong sambit. " Sus baby, ilang taon na tayong magkasama. Ako ba nama'y paglilihiman mo pa. " ngising-ngisi pa ang damuho. " Grabe ka naman kasi dun sa patay na patay. Ano teen ager lang? " " Hahaha. O sige hindi na kung hindi. Basta kapag nakaharap mo siya mamaya, deadma na lang. Mahirap na baka may makahalata pa sa inyo. " " Okay hubby.Thank you for always being there for me . " " Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin eh. " Matapos ang ilang minuto ay lumabas na kami ni Anton ng room para puntahan na ang mga kasama namin sa dining room para mag-breakfast. Nakaakbay siya sa akin at nagtatawanan pa kami ng matigilan kami pareho ng mabungaran namin si Marga at Nhel na nag-uusap sa sala. Napatingin sila pareho sa amin.Hindi nakatakas sa paningin ko ang madilim na mukha ni Nhel ng mapatingin siya sa mga braso ni Anton na nakaakbay sa akin.Si Marga naman ay ang awtomatikong pag-ismid niya sa akin. Laki talaga ng problema sa amin ng mga to! Binati kami ng mga inabutan namin sa hapag kaya naman nagsimula na kaming umupo ni Anton ng makita naming kumilos na sila para kumain. Hindi ko pa nalalagyan ng pagkain ang plato ni Anton ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Pasimple akong sumulyap at nakita kong si Nhel pala yon. Wala si Marga. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko na lang ang pagsisilbi kay Anton.Nang marinig kong magsalita si Wil. " Nasaan si Marga, Nhel? Hindi ba siya sasamang mag breakfast?" tanong niya kay Nhel. Napatingin sa kanya ang mga nasa hapag na tila naghihintay ng sagot niya. " Tapos na raw siya.Nandoon na sa kotse at dun na lang daw ako hihintayin." sagot niya na parang walang gana.Kaya naman pala sa akin tumabi, wala ang guardia civil. " Grabe talaga yun.Sinundo ka na dahil nate-threatened na naman yun kay Laine." walang prenong sabi ni Candy. " Labs! Ayan ka na naman." sita ni Wil sa kanya. " Oh eh totoo naman.Siya ang hindi maka-move on.Pero hindi na siya dapat matakot dahil nandito na si Anton, may asawa na si Laine." nagkatinginan kami ni Anton.Kung alam mo lang Candy. Matapos ang breakfast, nagpaalam at nagpasalamat sina Pete at Rina sa aming lahat. Nauna na silang umalis dahil before lunch ang byahe nila papuntang Boracay.Kami naman ay kanya-kanya ng ligpit ng gamit at isa-isa na ring nagpaalam pagkatapos. Nagpaalam na kami ni Anton kay Wil at Candy. Silang dalawa ang maiiwan sa resort para asikasuhin ang mga taong maglilinis ng kalat na naiwan. Pasakay na kami ni Anton sa kotse namin ng makita namin si Nhel na pasakay na rin sa kotse niya kung saan naghihintay si Marga. Tinapunan lang niya ako ng makahulugang tingin then sumakay na siya ng kotse niya at nagmaneho ng mabilis palayo. Nagkatinginan na lang kami ni Anton at sumakay na rin ng sasakyan namin. MEDYO maluwag ang trapiko ng paluwas na kami ni Anton.Namataan ko pa ang billboard ko nung nakalabas na kami ng NLEX.Ngayon ko lang napansin dahil tulog ako nung dumaan kami dito kahapon ng umaga. " Hubby napansin mo ba kahapon ang billboard ko na yan nung dumaan tayo?" tanong ko. Saglit niya akong nilingon at tinutok na muli ang paningin sa kalsada. " Yeah! Actually, I' ve already seen it a couple of times.At hanggang ngayon sobrang proud pa rin ako sayo. It was done in good taste." nakangiti siya habang minamasdan ang billboard ko. Suot ko ang lingerie na isa sa mga bagong produkto ng Montreal.Sa Switzerland din kinunan ang larawan ko na nasa billboard.Kasama rin ang lingerie sa irarampa namin sa runway sa major fashion show ng Montreal sa mga susunod na linggo. " Talaga Ton? Well, thank you." " You're welcome baby.Look at the other side." sambit niya at lumingon naman agad ako upang mamangha lang sa nakita ko. Si Nhel lang naman ang nasa malaking billboard at suot ang male undergarment na ila-launch din ng Montreal one of this days. Huh grabe! Aga-aga ang init! " Hoy matunaw yan! Grabe ka makatingin parang hindi mo nakita kagabi yan ng live ah!" asar niya at hinawakan pa ako sa bibig na kunwari ay itinitikom.Salbahe talaga.Namula naman ako sa sinabi niya.Naalala ko na naman yung mainit na tagpo namin kagabi. " Pwede ba Antonio Jaime tigilan mo ako.Bakit ikaw hindi ka yata pinagawaan ng billboards ni lolo?" pag-iiba ko sa usapan. Hindi kasi ako titigilan sa pang-aasar nito kung hindi ko idadako sa iba ang usapan. " Sino maysabi sayong wala? Meron din kaya ako.Sa papasok naman ng SLEX at sa may Sta. Rosa exit. Kung sa north kayo ni Nhel, pa-south naman ako. Actually, kaming dalawa ni Pia." tukoy niya sa isang kasama naming modelo na ka-batch ni Nhel. " Ow talaga? Sige sasadyain ko yan one of this days." excited kong sambit. Proud na proud din ako sa kanya. " Wag na baby, nakikita at nahahawakan mo naman ako ng personal di ba?" pilyong ngiti niya sabay wink pa sa akin. " Sira iba syempre pag sa billboards, tsaka para maging proud din ako sayo pag nakita ko.Isisigaw ko pa na, hoy kayo! asawa ko yang machong tinitignan nyo!" sabay pa kaming tumawa ng malakas. " Wag lang kayong sabay tumingin ni Lianna ha? Baka sabay din kayong pareho ang isinisigaw. Patay tayo dun! Maguguluhan ang mga tao kung sino ba talaga sa inyong dalawa." natatawa pa ring turan niya. " Oo nga ano? Ang weird pala pag nagkataon." nagtawanan na lang kami sa naiisip naming kalokohan. Tahimik na kami ni Anton habang binabagtas na namin ang daan pa-Edsa. Nawili kasi kami sa pagtingin sa mga billboards na nadadaanan namin. Ang laki siguro ng nagastos ng Montreal dahil kabi-kabila ang mga billboards namin para sa mga bagong produkto na ilalabas. Pagdaan namin ng Guadalupe nandoon ang isa kong billboard katabi ng kay Nhel.Swimwear naman ang suot namin na isa rin sa mga bagong produkto na ila-launch dito na naumpisahan ko na sa Switzerland years ago. Naisip ko si Nhel bilang modelo. Malayo na rin ang narating ng modelling career niya. Kung sana magkasama kami habang tinatahak niya ang landas patungo sa kasikatan ng pagiging isang modelo. But I'm proud of him at masaya ako sa mga achievements niya. Napangiti ako ng maalala yung mga panahon na nag-uumpisa pa lang siya sa Montreal bilang model.Dati ayaw niyang mag-pose ng kahit may konti lang na skin niya ang nakalabas. Ngayon, naka-swim wear lang siya. Lantad na lantad ang mga abs niya. Paano kaya nila siya napapayag na mag-pose ng ganyan at nasa billboards pa? But knowing lolo bigboss, malakas talaga ang convincing power niya. Malamang ginamit niya kay Nhel yon kaya hindi nakatanggi yung isa. Habang papalayo ang sasakyan namin ni Anton, hinabol ko pa ng tingin ang mga billboards namin ni Nhel na magkatabi. I sighed.Talaga si lolo bigboss kahit sa billboards man lang pilit niya kaming pinagsasama. Umaasa din ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD