VICTORIA Pakiramdam ko ay para akong isang kuting o bagay na pinagpapasa-pasahan dahil hindi pa kayang mabuhay ng mag-isa. Imbes na maging masaya ako dahil kay Dmitry lang naman pala ako mapupunta ay kakaiba naman ang tumatakbong silakbo sa dibdib ko. Kanina lang ay parang magkaaway sila tapos ngayon ay heto ako sa poder nin Dmitry. Naguguluhan na ako masyado sa mga nangyayari. Ano ba talaga ang nangyayari? “Alam kong nagtataka ka kung bakit isang iglap lang ay nandito ka sa pamamahay ko na kanina lang ay magkaaway kami ni William—mabibigyan kita ng paliwanag mamaya sa ngayon ay ayusin mo na muna ang mga gamit mo sa kwartong inihanda ko para sa ‘yo. Pero pwede bang dalian mo? Baba ka agad ha para kumain na tayo kasi nagugutom na rin ako,” wika niya at bahagyang natawa na pati ako ay n

