VICTORIA Pigil hiningang nakatingin ako sa lalaking ngayon ay nasa mismong harapan ko. Hindi ako makapaniwala na para bang nananaginip lamang ako dahil sa kasalukuyan kong nakikita. “William,” mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan at nakapamulsa lamang siyang tinitigan ako ng kaniyang mga mauusok na mga mata at tila nangungunot na mga kilay. “Why aren’t you answering?” magaspang niyang tanong saka ako tinalikuran at naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. Ako naman ay agad siyang sinundan papasok sa sasakyan. Pagkapasok nang pagkapasok ko sa loob ay agad ko ring hinablot sa bulsa ng aking bag ang aking cellphone—marahil ay siya ang nagtext sa akin kanina pa. Hindi ko rin kasi nman binubuksan dahil nga sa ayokong masira ang araw ko ngunit mukhang mas masisira nga ang araw ko dahil sa

