WILLIAM Nabalitaan kong nasa penthouse siya na pag-aari ni Celestia, isa sa mga kinasusuklaman kong babae. She's an old snake, but I've learned the swiftest way to deal with her if she ever makes a move that disgusts me. Napatikhim si Vlad dahilan upang mapatingin ako sa kaniyang direksyon. Kasalukuyan siyang humihithit ng sigarilyo at may mga lokong tingin na naglalaro sa kaniyang mga mata at ngisi. Hindi ko na rin naman kailangan pang tanungin kung bakit dahil baka hindi ko pa magustuhan ang kaniyang isasagot. “Nasa penthouse siya mismo ni Celestia, no wonder,” he spoke quietly enough for me to hear him. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipunto I don't have the time to waste my energy on it. All I know is that I want her. I miss her scent, her voice, her body, her gestures, the

