VICTORIA Wala pa man kami sa harapan ng bahay ay may nasilayan akong tila may nakaantay sa labas at kung tama ako ay ang mga guwardiya iyon at naroroon din si Sir Eric na tila may kausap sa kaniyang telepono. Napansin din iyon ni Dmitry kaya't medyo bumagal ng kaunti ang takbo ng sasakyan hanggang sa makaabot na kami sa harapan ng gate. Agad na nagtungo si Sir Eric sa pinto ng sasakyan kung saan ako banda nakaupo at agad itong binuksan. Matatalim ang kaniyang mga titig kay Dmitry na hindi ko mawari kung bakit. Magpapaalam pa sana ako kay Dmitry nang bigla na lang akong pinababa ni Sir Eric at agad akong pinapasok ng mga guwardiya sa loob. Tinaponan ko na lamang ng tingin si Dmitry at kita ko rin ang kaniyang pagkaway sa akin. Nang makapasok na ako sa loob ay hinintay ko rin ang pagp

