" ISLAND of DESIRE " By:"Ms. Alejos" MAKALIPAS ang limang taon. Limang taon na puno nang pagdurusa sa piling ni Jasper ang natikman ni Kaycee. Ang lahat nang pinakita nitu sa dalaga ay isang huwad at pagpapanggap lamang. Pinakasalan sya nitu sa kabila nang kanyang kalagayan dahil ang sabi nituy mahal na mahal sya, kaya naman tinanggap narin ni Kaycee ang alok nitu. Kailangan nya din si Jasper sa kanyang buhay nang mga panahon na iyon. Noong una ay maayos ang pakikitungo nitu, ngunit di rin nagtagal ang magandang ugali na pinapakita nitu ay naglahong parang bula, ilang buwan mula nang sila ay ikasal. Nasasaktan pa sya nitu.. Gustong-gusto na nyang makipaghiwalay, ngunit iniisip nya ang kanyang mga magulang. "Iha mamatay ang Papa mo kapag nawala ang kompanyang pinakamamah

