"ISLAND of DESIRE " By: "Ms. Alejos" KINABUKASAN wala namang sinayang na panahon ang Papa ni Kaycee nang makarating sakanyan ang tungkol sa kanahuhumalingan nitung lalaki, hindi sya makakapayag na eto ang uri nang taong mapapangasawa nang kanyang nag-iisang anak. Isang kahihiyan para sa kanyang pamilya at sa buong angkan nila kapag nalamn nang lahat na ang pinagpalit nang kanyang anak sa isang Jasper Sandoval ay isa lamang mananayaw nang mga kabaklaan na panira at salot sa lipunan. Hindi sya makakapayag na ilagay nang kanyang anak sa kahihiyan ang kanilang angkan. "Bantayan mo at alamin mo ang tungkol sa lalaking kinatatagpo nang aking anak, at ibigay mo lahat nang kanyang impormasyon sa akin Justin" wika ni Mr. Briones sa halos kaidaran lang din ni Kaycee na detective.

