C H A P T E R - #08

2942 Words
"ISLAND of DESIRE" By: " Ms. Alejos " DALAWANG oras ang kanilang taning sa paghahakot nang mga shells, pagkatapos noon ay bibilangin kung sino ang may pinaka maraming Shells na nakuha. Dala ang kamera ni Kaycee, habang naglalakad sila namataan nila ang isang landscape malapit sa dagat napakaganda nang kapaligaran doon, patakbong lumapit si Kaycee hila nya si Jeffrey magpipicture taking sila sa lugar na yon.. Malapit na sila pareho sa magandang tanawin nang biglang umaray si Kaycee napaupo sya sa buhanginan, agad naman tiningnan ni Jeffrey ang paa nang dalaga, nag-uunahan kumawala ang dugo doon, malaking hiwa sa balat na tumagos sa laman ang sanhi nang pag-aray ni Kaycee.. Dahil walang kahit na anu sa Isla, kumuha nang tubig alat si Jeffrey at hinugasan ang paa nang dalaga, saka nya pinunit ang laylayan nang kanyang damit, kumuha nang sapat na tila at itinali sa paa ni Kaycee iyon.. Napapangiwi ang dalaga sa sakit at hapdi.. Di kase nitu suot ang tsenilas dahil nagmamadali minabuti nitung bitbitin nalang.. "Thank you.." wika ni Kaycee sa binata.. "Okey lang.." sya namang sagot ni Jeffrey at naupo nalang eto sa tabi nang dalaga, nasa pagitan sila nang naglalakihang maga bato, gamit ang dala nilang sako inilatag iyon ni Jeffrey at magkatabi silang nahiga doon.. "Ang ganda dito anu? Walang stress, walng husle wala kang ibang maiisip kundi ang sana makasama mo ang taong mahal mo sa ganitung lugar.." wika ni Kaycee.. "Tama ka. Napakatahimik huni nang ibon, hampas nang mahinang alon at mga kuliglig lang ang maririnig mo.. Nanghihinayang ka ba at di mo kasama ang nobyo mo??" tanong ni Jeffrey sa dalaga.. Natahimik naman eto, alam nang kanyang nobyo na berhen pa sya at wala pang nakakagalaw kaya nga pinipigilan din nitu ang matukso sa dalaga dahil gusto nyang malinis etong ihaharap nya sa altar. "Hindi naman naisip ko lang, na nasarap kung kasama mo ang taong mahal mo.. Ikaw di mo ba naisip ang nobya mo habang nandito ka..? " ganting tanong naman ni Kaycee.. "Wala pa akong naging nobya, alam kung magiging kumplekado kapag nagkaroon nang karelasyon nag-aaral pa kase ako, ayokong mahati ang lahat kung saan ako nakapokus, kung meron man ako nakakasalubong yon ay ang mga matrona at mga kabaklaan na wala namang ibang gusto kundi magpalipas lang nang oras.." sagot naman ni Jeffrey. Sa narinig ni Kaycee tila naman nasaktan sya sa tinuran nang binata.. "Ibig bang sabihin nakikipagcontak ka rin sa kanila? " muling tanong ni Kaycee.. "Sa klase nang trabaho ko magiging sinungaling ako kapag sinabi kong hindi.. So the answer is YES, once they pay, pwede nilang gawin anu man ang gusto nila, pero Hindi naman ako ang taga maneho.. Malamang pandirian mo ako na ngayon, sinabi ko lang totoo, but in the situation of same s*x anu ba ang pwede nilang gawin, palagi lang naman nilalaro ang kwan ko... They fokus on that part.. Minsan nga natanong ko rin ang sarili ko nasisiyahan kaya sila?they give big amount of money para sa kaunting karinyo nang kagaya ko.. Kase para sa'kin it's not, I would never be satisfied, ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan nang s*x, with you Kaycee.." sabay lingon ni Jeffrey sa katabi.. Natahimik naman sa rebelasyong iyon si Kaycee, kinakapa ang sarili kung nandidiri nga ba sya sa binata, ngunit di naman sya lumayo dito tama lang na nakinig sya sa pagbubukas nang nasa loob nitu.. "Hindi maganda ang backround nang pamilyang pinanggalingan ko, sa totoo lang ang Mama ko dati syang G.R.O sa isang kilalang club kung saan ang nakakatanda kung kapatid doon din naman nagtatrabaho, at ang Papa ko ginamit ang kagandahang lalaki at dakilang husto sa bansang Japan dati, ang saklap noh? Kaya sa edad kung eto, nagsumikap ako mag-aral kahit na tutul pa sila, nang sa ganoon mabago ko ang ikot nang aking buhay, mataas ang pangarap ko sa magiging pamilya ko, kaya nagsusumikap ako, kahit sabihin pang ang puhunan ko ay sarili kung katawan, eto rin ang gagamitin ko para matupad ang mga pangarap ko.." mahabang kwentu ni Jeffrey. Napahanga naman si Kaycee sa kwento nang binata, bihira ang mga ganitu na pinaninindigan ang kanilang mga pangarap. At gagawin ang lahat mabago lang ang ikot nang kanilang buhay. "Wow!! From now on i could be the first fan of your journey in life.." seryoso namang sagot ni Kaycee.. "Hahahahahaha... Fan ka dyan.. Ikaw Kaycee tell me naman about your self kahit konte lang.." anyaya ni Jeffrey sa dalaga.. "Ako? Hhhhhmmmm.. I like your own story sa'kin bored, lahat kase nakukuha ko nang walang kahihirap-hirap I grow with a gold spoon in the mouth, kaya easy ang life, lahat binibigay nina Mama at Papa I was the only child kase. Masaya naman ang buhay ko walang hussle, pero pagdating sa lovelife they are over protective, pinipili nila yong taong ka level namin, natatakot kase sila na baka maghirap ako kapag nagkamali ako nang pinili.." maikling kwentu ni Kaycee.. "Wait.. So you mean sila ang pumili sa fiance mo ngayon? " putol ni Jeffrey sa kwentu nang dalaga.. "No. Magkakilala na kami ni Jasper, at dahil galing din naman sa kilalang pamilya, wala silang pagtutul, sabi nila mas magiging mabuti ang bhay ko sa lalaking eto, lalo na kapag naging isa na ang kompanya namin.." paliwanag naman ni Kaycee.. "Di pala maganda ang life mo, when it comes for love kailangang malaya ka parin, alam mo mahirap nga ang buhay, pero kung kasama mo talaga ang taong mahal mo, ang lahat nang mahirap nagiging madali kase nagtutulungan kayo, hindi ako eksperto pagdating dyan, pero nakita ko ang samahan nang aking mga magulang everyday was full of love, kahit mahirap kami di ko sila nakikitang nagtatalo sa ibang bagay only one thing.." nagtaka naman si Kaycee kung anu iyon kaya tinanong nya ang binata.. "Anu ang pinagtatalunan nila?" tanong nitu.. "s*x. Sometimes kase di nagrerespoce ang isa, maybe yong isa gusto, pero ayaw naman nang isa.. ang babaw noh, tsaka walang sense ang pinagtatalunan nila.." napatawa nang mapakla si Jasper. Sa haba nang napagkwentuhan nila, di namalayan nang dalawa na kapwa na sila naidlip sa lugar na iyon, malamig at malilim kase ang kanilang kinukunbihan. Kapwa sila may ngiti sa labi nang nakatulog habang naakatanaw sa kalangitan. Habang himbing ang dalawa sa pagtulog, nakabalik naman na sina Sugar at mang Lando sa site nila, tuwang-tuwa si Sugar sa mga nakuha nilang shells ang gaganda kase nang mga iyon iuuwi nya iyon pagbalik nila nang manila. Nakabalik na sila ngunit ang dalawa wala pa sa tent site nila.. Naupo muna ang dalawa at hinintay nang ilang minuto pa ang mga eto. Makalipas ang kinse minutos na paghihintay walang Kaycee at Jeffrey na dumating. Kaya naman muli tanaluntun nang dalawa ang lugar kung saan gumawi sina Kaycee at Jeffrey.. Tinatawag din ni Sgar ang mga eto, ngunit walang sumasagot sa kanyang pagtawag. Nakita nila ang malalaking tipak nang bata na akala mo bundok na, umakyat si Sugar doon at pagtanaw nya sa baba nakita nyang nandoon ang dalawa at tila natutulog ang mga eto. Natawa si Sugar sa itsura nang mga eto. Kaya pumulot sya nang maliit na tipak nang bato at hinagis sa kinaroroonan nina Kaycee at Jeffrey. ---------------------   Ilang beses inulit ni Sugar ang pagbato sa kinarorounan nina Jeffrey kaya naman napabalikwas nang bangon ang dalaga. "Jeffrey ! Wake up!" gising ni Kaycee dito.. "Oh! Nakatulog pala tayo. Bakit anong problema?" tanong naman ni Jeffrey. "I heared some noise, tara na bumalik na tayo baka kung ano pa iyon eh.." wika naman ni Kaycee.. "Okey sige, kumusta ang paa mo? Masakit pa ba? Kaya mo bang maglakad?" sunod-sunod na tanong ni Jeffrey.. "Kaya ko naman, basta dahan-dahan lang tayo.." sagot ni Kaycee.. Tumayo narin si Jeffrey at inalalayan si Kaycee sya na ang ngbitbit nang kamera nitu. Paglabas nila nang batuhan, nakapamewang na nakaharap sa kanila si Sugar.. "Ang gagaling ang akala ko nakarami kayo nang shells! Eh mukang ang sarap nang tulog nyo pareho ah..!" singhal nitu sa dalawa.. "Nabubug kase si Kaycee kaya pinagpahinga ko muna, nagkukwentuhan kami di namin namalayan, nakatulog na pala kami.." sagot naman ni Jeffrey, nakita naman ni Sugar ang paa nang kaibigan. "Naku pag magkasama kayong dalawa palagi nalang ata may aberya ah.. Anyway di pa rin kayo lusot, dihil di naman injured ang isa, kayo parin ang magluluto nang hapunan, sya sige na magbabad muna ako sa dagat sarapan nyo magluto.." wika ni Sugar at nauna na etong lumakad sa malapit sa may tent nila.. Halika buhatin nalang kita, para makarating nalang tayo agad-agad. "Wag na kaya ko naman eh.." pagtanggi naman ni Kaycee.. Ngunit dinakot na ni Jeffrey ang dalaga, nagpupumiglas sya ngunit mahigpit naman ang pagkakahawak nang binata. "Wag kang malikot, kapag gumalaw ka doble ang injury mo nyan, hayaan mo na buhatin kita malapit naman na tayo.. Ang gaan mo naman, para kang papel.." asar ni Jeffrey dito.. Binatukan naman ni Kaycee ang binata. "Anung parang papel..? Forty eight kilo din ako noh.." sagot naman ni Kaycee.. "Ganoon ba? Parang dalawang kilo lang kase.. Vegetarian ka ba?" tanong ni Jeffrey.. "Hindi naman." sagot ni Kaycee na naging kampante na sa hawak nang binata isinaklay pa nya sa leeg ang dalawa nyang kamay.. Di naman lingid kay Sugar ang pagkakalapit nang dalawa. Kaya naman natutuwa din sya sa mga eto, wag lang pagbabasihan ang pamumuhay ni Jeffrey bagay na bagay ang dalawa kung tutuusin. Habang naglalakad at buhat ni Jeffrey ang dalaga tuloy ang kwentuhan nang dalawa, pangalawang araw palang nila sa isla pero ang dami na nilang alam sa bawat isa.. Marahang inilapag ni Jeffrey ang dalaga sa tent nang magkaibigan, nakit din nila ang mga shells na napulot nina Sugar. Sa kabilang banda naman nakagayak ang lulutuin sa hapunan.. May idalawang manok doon alam ni jeffrey na galing yon sa freezer nang yate.. Sya nalang ang magluluto marunong naman sya.. Wala nga lang silang kanin.. Inayos nya ang manok, nilagyan nang mga pampalasa iyon at hinayaang nakababad muna habang naghuhukay si Jeffrey nang di naman ganoon kalalim kasya lang ang dalawang manok, nagsimula syang magpaapoy gamit ang mga kahoy hinitay nyang maging pulos baga ang mga iyon dahil may dala silang foil, binalot ni Jeffrey ang manok sa foil.. Nang makita nyang sapat na ang mga baga, ipinatong ni Jeffrey ang dalawang manok sa baka, saka nilagyan uli ang buong ibabaw nang foil saka tinabunan nang buhangin, binaon nya ang dalawang manok sa lupa kasama nang nagbabagang apoy.. napantastikuhan naman si Kaycee, ang iniisip nya hindi alam ni Jeffrey ang ginagawa nitu.. Pagkatapos lumapit ang binata sa dalaga.. "Yon lang ba ang lulutuin?" tanong naman ni Jeffrey.. "Maluluto ba yon?tyak na patay na ngayon ang apoy mo, masisirmunan ka ni Sugar.." pag-aalala ni Kaycee.. "Di mo ba alam ang pamamaraan nang pagluluto na yan? Noong unang panahon wala namang kalan o stick na pang hawak para mag-ihaw ganyan ang ginagawa nila.." sagot naman ni Jeffrey.. "Sinubukan mo na ba yan dati? Muling tanong ni Kaycee... "Hahahahahaha... Hindi pa. Wala naman akong pagbabaunang lupa sa manila.." papilosong sagot ni Jeffrey.. "Naku patay na. Tyak palpak yan.." wika naman ni Kaycee napatapik pa sya sa kanyang noo.. "Masarap daw yan kapag naluto, kaya masusubukan natin ngayon.. Hayaan lang natin hanggang sa maghanap nang makakain si Sugar, kapag palpak may chocolate ako sa bag, wag ka mag-alala bibigyan kita.." nakangiting wika ni Jeffrey. Napatawa din tuloy si Kaycee sa sinabi nang binata..   --------------------------------------- Nang makabalik si Sugar halos nasunog na eto, nagdiving eto sa yate kung saan nakahinto iyon.. Nakita nyang nakaup lang ang dalawa at nagtatawanan, na di naman nya alam kung anong pinagkukwentuhan nang mga eto.. "Baka naman pwede akong maki join dyan? Panay ang tawanan nyo nasaan na ang manok..?" tanong nitu.. "Andyan nakabaon sa ilalim nang lupa.." sagot naman ni Kaycee na panay ang bungisngis at tinitingnan ang mga kuha nila ni Jeffrey.. "Anong nakabaon? Saan?" ulit uli nitung tanong.. "Dyan nga sa lupa, binaon ni Jeffrey.."sagot muli ni Kaycee.. "Uy kayong dalawa tigil-tigilan nyo na yan umayos kayo, baka kayo ang kainin ko nang buhay..!" singhal nitu.. Umandar nanaman ang pagkabakla.. "Luto na marahil yon, kakain na ba tayo maganda maghiwa ka nang kamatis at sibuyas, tapos may tinapay naman tayo, inihaw na manok masarap yon,.." sagot naman ni Jeffrey.. Inihaw na manok eh wala naman makitang baga si Jeffrey o manok na nakasalang.. Lumapit si Sugar sa bangka at dkinuha ang dala nyang vegetable salad pati sliced bread.. "Oh eto na, dina raw sasabay si mang Lando doon nalang daw sya maghahapunan, kaya ihain nyo na ang sinasabi nyong inihaw na manok, dahil nagutom ako kakalangoy, kapag wala kayong inihain pagkakagatin ko kayong dalawa!" wika ni Sugar di kase sya naniniwala na nagluto nga ang dalawa.. Nagmamadali naman pumutol nang dahon nang saging si Jeffrey kumuha sya nang dalawang dahon nang saging at inilatag yon malapit sa kinauupuan ni Kaycee, inilagay nya ang dalang salad at sliced bread ni Sugar, gamit ang bao hinukay nya ang binaon na manok kanina. Nanlaki ang mata ni Sugar. "Ibinaon mo nga ang manok!?" wika nitu.. Di naman sumagot si Jeffrey. Sa wakas nakita na nya ang foil sinubukan nyang hawakan iyon ngunit mainit pa.. Isa-isa nyang hinango ang manok, kinuha nya muna ang isa pinagpag ang buhangin sa paligid nang foil saka binuksan, umalingasaw ang napakabangong aroma nang mga sangkap na nilagay ni Jeffrey doon at ang kulay nang manok kulay brown sakto ang pagkakaluto, ipinatong nya iyon sa dahon nang saging kinuha nya muli ang isa, tinanggal ang foil at inilagay sa tapat ni Sugar.. "Wow naluto talaga sya Jeffrey? at ang bango nya, fan mo na talaga ako.." wika ni Kaycee.. "Sabi ko sa'yo maluluto sya eh.. Tikman natin kung masarap.. Oh Sugar kain na.." anyaya ni Jeffrey na di naman makapaniwala kung paano ginawa nang binata iyon para maluto.. Hati sa isang manok sina Kaycee at Jeffrey, samantalang solo naman ni Sugara ang isang manok. Lahat sila napapatango-tango nalang nang matikman ang lasa nang manok, dahil napakalinamnam niyon, kusang kumatas ang mantika nang manok. Hinihimayan naman ni Jeffrey si Kaycee nang laman nang manok nang punahin eto ni Sugar.. "Anong drama yan.. May pahimay-himay pa kayo nang manok, mag-shota at ganyan ang drama?!" wika nitu.. Napatawa naman ang dalawa sa sinabi ni Sugar.. Nang matapos ang kanilang hapunan, naghugas sila nang kanilang mga kamay sa dagat at binanlawan nalang nila iyon nang tubig na kinuha naman nina Sugar sa falls.. "Masarap pala yong binaong manok sa lupa, minsan ituro mo rin sa'kin yon ah.." wika ni Sugar.. "Sure.. Why not.." sagot naman ni Jeffrey.. Dahil tahimik ang gabi, kinuha ni Jeffrey ang dala nyang radyo, pinatogtog nya ang mga awiting pandisko, dahil di makatayo si Kaycee sina Sugar at Jeffrey lang ang sumayaw.. Nalalaswaan man sa kilos nang dalawa nakiraide nalang si Kaycee at pumapalakpak sa mga kilos na sinasaliw sa awiting nakasalang.. Nang makaramdam nang pagkahapo dala nang pagsasayaw kapwa naman naupo sina Sugar at Jeffrey.. "Hindi pa ba okey ang mga paa mo? May nakita akong talbos nang bayabas doon banda, sandali at kukuha ako.." paalam ni Jeffrey at kinuha ang dalang ilaw na de baterya. Ilang minuto lang at bumalik narin si Jeffrey, nginuya nitu ang talbos nang bayabas habang tinatanggal ang kaninang tinali sa paa ni Kaycee nakita nya ang hiwa medyo may kalakihan nga eto. Matapos na madurog gamit ang bibig nang talbos nang bayabas, inilapat nya sa sugat ni Kaycee iyon, napakislot naman ang dalaga.. At sa huli muling tinali nang binata ang tela sa paa.. "Bravo! Bravo! Mukang mabubuhay kayong dalawa dito sa isla ha.. Lahat may paraan.." nakangiting wika ni Sugar.. Wala namang nagsalita sa dalawa.. Naunang magpaalam si Sugar sa dalawa para matulog, naiwan naman sina Kaycee at Jeffrey. "Pahinga narin tayo, bukas mamangka tayo puntahan natin ang kabila nang malalking bato na pinuntahan natin kanina.." wika ni Jeffrey.. "Okey sige.." sagot ni Kaycee at inalalayan naman nang binata ang dalaga para makatayo at hinatid hanggang sa tent nitu.. "Good night.." wika ni Jeffrey.. "Good night, sweet dreams.." nakangiting wika ni Kaycee.. "Sure it was a sweet dream again.." makahulugang wika ni Jeffrey. At tuluyan nang pumasok si Kaycee sa tent, ganoon din naman ang ginawa nang binata... Ilang minuto naring nakahiga si Kaycee ngunit di sya makatulog, nasa isip nya ang masayang mukha ni Jeffrey, ang nangyari kanina sa kanila. Hindi nya maramdaman ang guilt para sa kanyang fiance, pilit nyang kinakapa iyon ang magalit sa sarili dahil nagawa nyang lukuhin ang katipan, ngunit wala, wala syang makitang pag-sisi nakangiti sya nang maluwag at gusto nya ang nangyari ngayon nya lang naramdaman eto napakasaya nya, ni hindi sya nakaramdam nang pagkainip simula nang makasama nya ang binata sa islang eto, ang lahat ay bago sa kanyang pakiramdam at panlasa, ngunit lahat nang eto ay kanyang nagugustuhan. Nagugustuhan? Anong ibig sabihin non gusto nya kaya si Jeffrey? O nadadala lang sya nang kakaibang luto nang langit na kanyang natikman.?  Napanaginipan din kaya ako Jeffrey? Mga katanungang nasa isip ni Kaycee ngunit walang kasagutan nang gabing iyon. Samantalang si Jeffrey gulong-gulo naman sa kanyang nararamdamn ayaw nya munang pumasok sa ganitong sitwasyon, dahil ayaw din nyang mabigo sa huli at mawala ang kanyang mga pangarap, ngunit di nya maipaliwanag ang sayang kanyang nadarama ngunit paano nga ba supilin ang damdaming unti-unting nadarama nya para sa dalaga na ikakasal na at pag-aari nang iba? Paano ang kanyang gagawin iiwasan ba nya eto o hahayaang damhin dahil ngayong Linggo lang naman ang lahat pagkatapos kanya-kanya na uli sila.. Paano ang nangyari sa kanila ni kaycee? Mga kananungang nagpapagulo sa isipan nang binata sa kanyang pag-iisa.   >>>>>>>>>> ITUTULOY <<<<<<<<<<      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD