Chapter 3: Why it can't be me

1394 Words
Sheannia's P.O.V. "Alam mo, girl, tara na," pagyayaya sa akin ni Irene. She is here now at the mansion. Sa totoo lang ay bibisita talaga siya at mag-ca-catch up kaming dalawa. Pero bigla ay nag-call ang ka officemate niya, nagyayayang mag bar mamayang gabi. "No, Irene. Wala na akong hilig sa ganiyan," utas ko at uminom. I saw her rolled her eyeballs. "Duh, Shea. Hilig mo kaya ang ganito dati, balik ka na sa gawain mo. Huwag kang masyadong magpakadakilang asawa riyan. Hindi naman napapansin ng Jazen na iyon ang mga efforts mo," pang ri-real talk niya sa akin. "Maka Jazen ka naman. He is your boss, girl," paalala ko sa kanya. Yup. Sa company siya ni Jazen nag-tatrabaho. Matagal na kaming magkakilala ni Irene, college days pa. Hindi nga namin inaasahan na magkikita kami ulit sa company ni Jazen dati. "It's my day off today, kaya hindi ko siya boss. Sa ngayon, isa siyang malaking asungot na nakakagigil dahil he is hurting you," iritado niyang sambit. "Hindi naman niya ako sinasaktan." "Not physically, but emotionally." Hindi ako nakabanat doon. "Oh 'diba, wala kang nasabi. Halata naman na umiiyak ka kapag wala siya. Kailan ko kaya siya makikitang umiyak kapag ikaw naman ang nawala sa kanya?" she asked and flipped her hair. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Mawawala ba ako kay Jazen? Kawalan ba ako sa kanya? Baka nga mas magsaya pa iyon kapag iniwan ko na siya. I know too well na gusto na niyang kumawala sa kasal namin. "Sama ka na kasi. Minsan lang naman," pagpipilit niya ulit. "Tignan ko muna," saad ko. Tumahimik na siya pagkatapos niyon. Pinag-iisipan ko kung sasama ba ako o hindi. Pero wala namang masama kung sumama ako, hindi ba? Minsan lang naman eh. Magpapaalam na lang ako kay Jazen. I compose a message to him. Pagkasend ay ipankita ko kay Irene, kaya naman napapalakpak siya. "Good choice, Shea! Hanap na tayo ng susuotin mo." Na una pa siyang umakyat sa akin sa may closet namin ni Jazen. Irene didn't need to change her clothes anymore, mukha ngang ready siyang mag bar eh. "Dapat daring, para pak," she said and winked at me. Napapiling ako. "I will not drink nor find fish there, Irene. Sasayaw lang ako, that's what I miss," pangkaklaro ko. "Ihh, malay mo naman may magkagusto sa'yo roon. Tapos he can save you from your misery," saad niya at humalakhak pa. She is really waiting for me and Jazen to spilt up. Sawa na rin siguro kasi siyang makita at malamang malungkot ako sa one sided na kasal na ito. She is my bestfriend, kaya alam niya ang mga pinagdadaanan ko. In the end, she chose the red dress. Hindi ko nga alam na may ganoon ako, matagal na rin kasi talaga akong hindi nag gagala, I am always here at the mansion. Kung lalabas man ay sa bahay ng mga parents namin ang pupuntahan. Tama nga si Irene, I made Jazen my world. It's almost six when we decided to go. Mag-di-dinner muna raw bago tutuloy sa bar. Of course, nag-ready pa rin ako ng dinner for Jazen. Para kung sakaling umuwi siya at magutom ay may makakain siya. Hay... ni hindi man nga lang niya yata niseen iyong paalam ko sa kanya. May pake ba siya? Sa cafe namin naisipan kumain. Nakilala ko rin ang mga makakasama namin. "Grabe 'no, ang blooming ni Sir Jazen ngayon," Mikha said. Napatingin sa akin si Irene. "Pagkatapos ikaw mukhang gloomy?" pabulong niyang tanong sa akin. People at the office doesn't know that Jazen was already married and I am his wife. Sa pamilya at mga close friends lang namin ang balita. "Paano, nakita ko kaninang may pumasok na babae sa office niya. Iyon siguro ang reason," Ayanna answered. Napalunok ako. "Baka naman client lang?" I asked. "When you are his secretary, nakita mo bang may pumasok na babaeng client sa office niya?" Mikha asked. Natahimik ako. Wala. "My gosh, girls, hangga ba naman dito ay si Sir Jazen pa rin ang topic. Naiisip ko ang work, na i-stress ako. Stop na us about that topic," Irene said and eat her pasta. Thanks to Irene. After some minutes, nagpaalam muna akong pupunta sa powder room. Pagkalabas doon ay may nakasalubong akong babae. My forehead knotted, she seems familiar. Saan ko nga ba siya nakita? "Shea!" someone called. Humarap ako dahil akala ko ay ako ang tinatawag, but the girl I am saying earlier smiled to the person who said the name. I was stunned in my place. Is she Shea? The one Jazen loves? Hindi nila ako napansin, but I stared at her face. Ang ganda naman pala talaga. Mukha pang demured, bagay sa mga kamukha ni Jazen. I fixed myself and go back to our table. Bago pa kami makaalis sa cafe na iyon ay nakita ko pang pumasok ang lalaki. Napangiti na lang ako nang mapait. Mukhang wala na namang kakain sa niluto ko. Jazen is here, of course, nandito iyong totoo niyang Shea eh. Napabaling siya sa pwesto namin kaya mabilis akong yumuko at humawak kay Irene. Sapat na ito, Jazen. Huwag mo naman ipakitang masaya ka sa kanya. Is she the reason kaya nasasabi nilang blooming ngayon ang asawa ko? "Oh, Shea, akala ko bang sasayaw ka lang? Una ka pang uminom sa amin," asar ni Irene sa akin. Pagkarating kasi sa bar ay umorder na kami ng iinumin at tinungga ko agad iyon. "Let her be, Rene. Baka naman may pinagdadaanan si Shea," Mikha said and even offered another glass to me. "Irene, isama mo ako pauwi sa inyo ha. Magpapakalasing ako," abiso ko sa kanya. Napakagat siya sa labi niya. "Go, girl. Be care free tonight. Ako na ang bahala sa'yo," she said and patted my shoulders. Nakailang baso na nga ako ng liquor. I even urge them to dance at the dance floor. Nagkakasiyahan na ang mga tao! Hindi ko namalayan na nahiwalay na ako sa kanila sa dagat ng mga tao. Whatever. Hahanapin naman ako ni Irene, sasayaw na ako ng bongga dito. I miss this kind of thing. Nakaka miss iyong parang wala kang problema at sumasayaw ka dahil feeling mo free ka. Hmp. Mukhang tinamaan na ako ng kalasingan, I want to go to the powder room. Pasuray-suray akong naglakad papunta roon. Pero bago pa ako makapasok ay may nakita ako sa corner, hindi naman masyadong madilim kaya visible sila. Parang tuloy biglang nawala ang kalasingan ko. Really? Sana pala ay hindi na lang ako tumingin. Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko ay tumalikod na ako at mabilis na umalis doon. Dammit. Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Jazen? Bakit ibang Shea pa ang mahal mo? Why it can't be me? Shea rin naman ang pangalan ko ha. Bakit hindi na lang ako? I sat at the vacant table at the corner. Habang maingay ay umiyak na ako, hindi ko na kayang pigilan pa. I am hurting. It stings so much. Napatigil ako sa pag-iyak at napasinghot nang may mag-alok ng panyo sa akin. "Uso pa pala ang mga broken hearted sa bar," simple niyang saad at umupo sa harapan ko. Hindi ko siya sinagot at umiyak ulit. At ang lalaki, pinanood lang ako. "May mga kasama ka ba niyan? Call them after crying, para may kasama kang umuwi," he said. "Dito lang muna ako habang umiiyak ka," he added. Napangiti ako nang malungkot. May ganito naman palang lalaki, bakit na fall pa ako sa walang pakialam sa akin? "I'm Pier by the way, baka curious ka lang." I rolled my eyeballs. "Paano naman ako iiyak niyan? Dinadaldalan mo ako," utas ko. "That's the point." Natawa na lang ako roon. Sabi niya go on lang ako sa pag iyak, iyon naman pala gusto niya akong tumigil. Irene found me, napataas pa siya ng isang kilay nang makita si Pier. "She is Shea, by the way," Irene said before bidding good bye to him. Nahampas ko tuloy siya ng kaunti sa balikat. "Gaga, Shea. Gwapo niya, siya na lang mahalin mo. Mukha rin namang mabait." Hay... Irene, if I just can teach my heart. Kung pwede ay iba na lang ang mahalin ko. Pero hindi eh, I can't replace him; in my mind, in my heart, and in my soul. Jazen, my husband. Ako na lang kasi ang Shea na mahalin mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD