Lara Marahan kong hinilot ang pagal kong balikat. Mas madalas na ako ngayong ngalayin, mas madalas mag cramps ang mga binti ko sa mahabang pagkakatayo at may times din na kung sumipa si baby kala mo wala ng bukas. Pero lahat iyon hindi ko iniinda, wala akong karapatan—lalo na kapag tinitignan ko yung ultrasound pictures niya na ipina-laminate ko pa dahil 4D na rin kasi yon at kitang-kita ko ang buo na niyang face at sa tuwing mapapagod ako titignan ko lang yung pictures niya giginhawa na ang pakiramdam ko. "Ilang buwan na lang.." excited akong nakangiti, palagi kong kinakausap si baby B. Sinasabi ko sa kanyang huwag niya akong pahirapan dahil kawawa naman ako, alam kong hindi niya maiintidihan iyon pero maaga kong imumulat sa kanya ang katotohanang sa buhay na ito, kami lang tal

