Lara Nagpumilit akong tumuloy sa La Union pagkalabas ko ng hospital kahit pa halos lahat sila ay tutol sa naging desisyon ko. Lalo naman si Dean. Hindi ko kayang iwanan ang shop ko at hangga't kaya kong lumakad at mag trabaho ay hindi ako titigil. "Uy, pansinin mo naman ako?" nakasimangot na ako. Kanina ko pa siya kinukuhit sa biyahe pero ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng tingin. "Sige ka, magkaka–stiff neck ka diyan?" nag pakawala lamang ito ng malalim na buntonghininga, nakakainis. Bakit ang guwapo pa rin niya kahit na nag susungit? "Dean naman.." umisod na ako sa tabi niya at saka ikinawit ang pareho kong braso sa kanya. "Oo sige na, matigas ang ulo ko talaga. Ayaw ko lang talaga na doon tayo sa mansion ng mga magulang mo tumuloy." Nahihiya ako at ayokong may

