CHAPTER 41

1719 Words

- Kimberlynn- KUMAKAIN kami ni Nolie ngayon dito sa unit n'ya. Bumabalik ako sa bahay n'ya pag gusto ko lang mayroong matambayan, at ginagamit ko ang kaniyang kayamanan para ma-enjoy ang buhay ko. "Resigned ka na daw," biglang saad ni Nolie sa gitna ng katahimikan naming dalawa. Wala akong sinasabi sa kan'ya na resigned na ako, at ilang beses na rin akong pumunta sa bahay n'ya na walang sinasabi na kahit ano. "Yeah," sagot ko sa kan'ya. "Bakit?" taka nitong tanong sa akin. Tinignan ko ang mukha ni Nolie, at napangisi. Gusto n'ya akong umalis sa company na iyon tapos itatanong n'ya kung bakit. "Pikon lang ang dulot sa akin ng lugar na iyon," sagot ko sa kan'ya. "Pero wag mong isipin na dahul sa 'yo kaya ako umalis, ayoko rin ikaw na makita kaya umalis na rin ako," paliwanag ko pa. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD