-Kimberlynn- NAGMAMADALI ang lakad ko para makapunta sa kabilang building habang nag-aayos ng baril. Hindi ko papatakasin ang lalaking iyon. Sinalpak ko ang magazine ng baril at muling tatakbo papasok sa building ng mayroong humablot sa braso ko dahilan para tumigil ako, at pagharap ko kung sino ay si Nolie. "Delikado," seryoso n'yang saad sa akin. Nag-aalala pala s'ya sa akin? Hinila ko ang braso ko at parang wala lang natinignan ito, na parang hindi ko kilala na bigla na lang lumitaw sa harapan ko. "Wag kang panira," seryoso kong saad sa kan'ya. Tinalikuran ko ito at tumakbo na papasok sa loob ng building. Hindi ako nakakaramdam ng kaba kaya alam kong mahuhuli ko ang lalaking iyo. Sa dami-dami ng bala na pinakawalan ni hindi man lang tinamaan si Nolie, at ang mga ugok nitong kasam

