-Kimberlynn- UMANGAT ang tingin sa nilapat na paper bag ni Angelo sa ibabaw ng office table ko. Taka akong nakatingin sa lalaking harapan ko dahil sa nilapag n'ya. "What is that?" taka kong tanong. Sinilip ko ang loob ng paper bag at napataas ang kilay ko na isang dress ang nakalagay doon, white dress na hindi ko alam kung para saan. "Iyan ang susuotin mo mamaya." Muling tumingin ang mata ko kay Angelo dahil sa narinig ko. "Saan?" taka kong tanong. Wala s'yang sinasabi sa akin na kahit ako na mayroon kaming pupuntahan. Base dito sa damit na binigay n'ya ay mukhang formal iyon. "Frank, my cousin is now a President of his company, and also birthday n'ya rin kaya hindi tayo p'wedeng mawala," saad pa ni Angelo sa akin. Hindi ko feel ang pumunta, pero sayang pagkain. Party pa naman iyon

