Abala na ang lahat sa pag-iinuman samantalang si Rosie at Marco, tila nagbabantayan ng galaw. Hindi makakilos si Rosie dahil naiilang siya dito sa katabi niya sa upuan. "Ma'am, shot mo na!" ani Eldon sabay abot sa kanya ng baso. Tatanggapin na niya sana 'yon nang biglang hinablot ni Marco sa kamay ni Eldon saka diretso iyong ininom. Napakurap-kurap si Rosie sa ginawang 'yon ni Marco. Lahat tuloy sila ay napangiwi at gulat rin sa nangyari. "Hey, that was supposed to be mine!" pagwewelga ni Rosie. "Sa 'yo ba? Akala ko akin, e." Pagmamaang-maangan ni Marco. He crossed his legs na parang walang nangyari at balik sa pagdutdot sa cellphone niya. Kanina pa niya tinatawagan si Silva dahil makikipagkita siya rito para klaruhin ang lahat pero hindi niya ito ma-contact. Naka-timbre ba ito sa

