Days and weeks had passed at mukhang tuloy tuloy na ang bigayan ng letter nina Silva at Marco. Patuloy na rin na sinasagot ni Maco ang mga sulat na iyon sa pag-aakalang galing 'yon kay Rosie. Ayaw pa niya itong kumprontahin dahil gusto niyang umabot sa araw ng pagkikita nila. He wants to set a date with her. But on this day, Rosie seemed cloudy. Patuloy pa rin kasi siyang tumatanggap ng sulat galing sa isang hindi niya kilalang estranghero. Hindi pa rin talaga ito nagpapakilala kaya minsan, tinatamad na rin lang siyang buksan ang letter na 'yon. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Si Anica ang nagsalita. Mukhang hinihingal pa ito pero kumikinang-kinang ang mga mata. Tumakbo talaga ito at mukhang importante ang sasabihin. "Sino daw?" kunot-noong tanong ni Rosie. "Hindi ko kilala, Ma'am,

