CHAPTER 8

1028 Words
Sarado ang coffee shop nila ngayon for customers. Open lang sila for applicants. Wala kasing mag-aasikaso dahil dalawa lang sila. Laking pasasalamat na rin ni Marco kay Rosie dahil may nakakatuwang na ito sa mga gawain, plus simple pa niya itong natititigan nang hindi niya napapansin. Nakakasama araw-araw. Walang kamalay-malay si Rosie sa totoo niyang nararamdaman. Para na siyang nanalo sa loto with the fact na araw-araw silang magsasama ni Rosie at katuwang pa niya ito sa trabaho. He always long to see her angelic face and rosy cheeks. Hindi siya magsasawang pagmasdan 'yon. "You ready?" tanong ni Marco sa kanya. He always check on Rosie para tanungin kung ayos lang ba ito. Concern talaga siya sa dalaga at mahirap iyong itago. "I-I'm quite nervous, Marco," sagot niya. Nanlalamig ang kamay niya. First time niya ito. First time niyang humarap sa ibang tao after two years of being outcast. Marco held her hand and squeezed it. "You can do it, Rosie." Pagchi-cheer niya rito. "Ikaw ang mag-i-intreview, kaya sila ang dapat matakot sa 'yo." Si Rosie ang mag-i-interview sa applicants. Hindi ba dapat ang applicant ang kabahan sa kanya? Bakit parang baliktad pa ang mundo? Nauna nang pumasok si Rosie sa kuwarto kung saan niya tatanggapin ang mga interviewees. There are fifteen applicants today and posibleng iba-ibang position ang ina-applyan nila. Rosie's knees are trembling habang nakaupo sa swivel chair ng office room ni Marco. The room is small. Sapat lang para sa dalawang tao. Siguro, sinadya niya talaga iyon dahil balak talaga niyang patakbuhin ang coffee shop niya ng mag-isa. But then she came along. "I'll be letting in the first applicant, you ready?" tanong ni Marco. Tumango-tango lang si Rosie bilang sagot saka pilit na nginitian ang binata. "Ms. Rufines, come in," tawag ni Marco. Pumasok ang isang aplikante. Nakasuot ito ng isang puting blouse, saka itim na blazer. Pati ang skirt nito ay itim rin. Simple lang na paghahanda sa interview. The girl smiled as she enter the room. She looks cheerful kaya ang kaninang nangangatog na tuhod ni Rosie ay kumalmang bigla. Maganda ang first impression ko sa babaeng ito. I like her aura! Aniya sa kanyang isipan. "Good morning!" masiglang bati ni Rosie. "Take a seat," dugtong niya. Naupo naman agad ang babae. "May I have your resume and application letter, please?" Iniabot ng babae iyong puting folder na hawak niya. Rosie took a look at it. So she is applying as a service crew? She read over the girl's experiences saka nabasa na dati palang nagtrabaho ito sa isang restaurant. Mabilis na pag-scan lang ang ginawang 'yon ni Rosie. "So, Ms. Susie Rufines, may experience ka ba sa paggawa ng kape using a coffee maker/ machine?" seryosong tanong ni Rosie. Tumango naman agad ang babae saka sumagot. "Yes! Although I didn't work at any coffee shop's before, we have a coffee maker at home so basically, natuto na ako," pagpapaliwanag ng babae. "Oh, that's great! I'll call you once to inform our decision. Thank you!" ani Rosie saka isinara ang folder na hawak niya. Ngumiti ang babae. "Thank you, Ma'am!" anito saka ngumiti. That girl looks hyper. The energy that they need inside the coffee shop. Gano'n dapat. Palaging may energy at hindi lalanta-lanta. Nilagyan ni Rosie ng check iyong folder ng babae pansamantala. Pero unang applicant pa lang 'yon that's why she's still looking forward to hear from the other applicants. Pagkalabas ng unang applicant ay pumasok muli sa loob si Marco to check on Rosie. "How's the first one?" tanong niya na pinagpapawisan pa. "Okay siya. I like her, pero syempre I still need to screen all of them. Thanks, Marco," sagot niya sa binata. She smiled sweetly to him. Parang hindi na mabili ang ngiting 'yon. Ngumiti pabalik ang binata. Deep inside ay kinikilig siya dahil na-appreciate ni Rosie ang effort niya. "Sabi ko naman sa 'yo, kaya mo, e." Muli siyang lumabas to call the next applicant. This time, it's a male. "Mr. Indelible, come in!" tawag niya. Maagap na pumasok ang lalaki. Kakapasok pa lang niya ay nagniningning na ang kanyang mata nang masilayan ang mukha ni Rosie. Rosie just scanned him from his face down his feet. Ang cute ng lalaking 'to! He has a korean aura! Para siyang si Lee Jung Suk! Wika ni Rosie sa kanyang isipan. She cleared her throat and came back to her senses saka pinaupo ang lalaki na mukhang hindi na mapakali. "Are you okay, Mr. Clint Indelible?" she asked. Mukha kasi itong tensyonado. Napakamot ito ng ulo. "Y-Yes, Ma'am. Sorry, kabado, e." "Is this your first time of applying?" tanong ni Rosie. "Hand me over your folder," dugtong niya pa. Nanginginig pa ang kamay ng lalaki nang iabot 'yon kay Rosie. She scanned through it. "Y-You're a graduate of accountancy? I bet you you are over qualified—" Hindi pa natatapos si Rosie pero pinutol niya ang sasabihin nito. "Please, give me a chance. Yes, I am over-qualified pero, we don't really need money. I just need something to do while I'm on a vacation," sagot ng lalaki na ikinabigla ni Rosie. "I'm sorry, Mr. Indelible. You mean, you want to spend your vacation working at our coffee shop?" nagtatakang tanong ni Rosie. "Yeah?" tipid nitong sagot saka ngumiti. He smiles like an angel from heaven! Ang nipis ng labi nito. "But, some of the applicants outside are hoping to get hired dahil sa financial needs nila. And you want me to hire you even though you are not needing money?" Napaisip do'n ang lalaki. Siguro ay laki sa layaw ito. Mukhang hindi trabaho ang kailangan niya kundi past time. "Oh, yeah. You're right." "Anyway, I'll call you na lang if ever we'll let you in." Ngumiti lang ang lalaki saka nagkibit-balikat bago lumabas. Muling pumasok si Marco. "How was that guy?" he asked. Lumingo-lingo si Rosie. "Over-qualified," mahina niyang sagot. Tumango-tango lang si Marco saka muling tinawag ang susunod na applicant. Ganoon lang ang tema nila hanggang sa natapos lahat ng fifteen applicants. Mayro'n nang limang ‘bet’ na papapasukin si Rosie. But ofcourse, kailangan pa nilang pag-usapan 'yon ni Marco. Besides, he's still the boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD