"O, Rosie gusto mo ng coffee or me?" pang-aasar na banat ni Cavin sabay ngisi niya. Rosie just gritted her teeth. Sasagot na sana siya nang biglang nagsalita si Marco. "E, ako ba hindi mo aalukin ng kape?" anito saka binigyan ng malalamig na titig si Cavin. Sumipol-sipol lamang si Cavin sabay tingin sa ibang direksyon. Bantay-sarado talaga ni Marco itong si Rosie. At kahit hindi niya sabihin, halata iyon ni Cavin kaya lalo niya lang itong inaasar. "Marco!" masiglang sambit ni Rosie nang lingunin niya ito sa kanyang likuran. Kasunod niya ay si Silva. "Silva. . ." halos pabulong niyang dugtong. Ganito na ba sila ka-close? "Hi, dude. Won't you introduce me to this pretty woman right here?" ani Cavin. He's referring to Silva. Nagbabaka-sakali na tumalab ang karisma at kaguwapuhan niy

