Nanghihinang napasandal si Rosie sa dingding ng kanyang kuwarto saka dinukot sa bulsa niya ang sulat ni Rich. Bakit gano'n? Kinakabahan siyang basahin ito. Ang bigat bigat sa kanya na buklatin man lang 'yon pero pinilit niya. Pinilit niyang buklatin iyon at basahin kahit nakakatakot. Kahit nakakakaba. "Hello, Love. I wrote this letter una sa lahat, para indirectly sabihin sa iyo na walang ibang tinibok ang puso ko kundi ikaw lang. Naging desperado ako na iiwas ka sa sakit nung nalaman ko na may karamdaman ako. I harshly broke up with you and I'm really sorry for that. It was very painful for me, Love. Pinalaya kita kahit alam ko sa sarili ko na para naman akong mapapaaga na mamatay sa sakit ng nararamdaman ng puso ko. Pero wala, e. I chose to break your heart dahil gusto ko na habang maag

