CHAPTER 35

1201 Words

MAAGA pa lang ay nasa trabaho na si Rosie. Kailangan niyang bumawi sa araw na niliban niya. She wants to make sure na walang palpak sa araw na 'to. Nauna siya kay Marco. Himala at wala pa ito. Madalas halos magsabay na silang dalawa pero ngayon, mukhang nag-iba na ang ihip ng hangin. Bumukas ang glass door nila at kahit busy sa sinusulat ay napatingin siya do'n. It is Marco. Nasa likuran din nito si Silva. Napapadalas yata ang pagsasama nilang dalawa? Nakaramdam na naman siya ng kirot. Kung saan naman nag-uumpisa na siyang magkagusto ulit, ngayon naman 'to nangyari. Seriously? Wala ba siyang karapatang sumaya? Sasaya pa ba siya? Magkakaroon pa kaya siya ng magandang love life? "Good morning!" Pinilit ni Rosie na pasiglahin ang boses niya. Pero sa totoo lang, hindi talaga siya masaya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD