Pagkatapos mamalengke ay sa grocery na dumiretso ang dalawa. Why do we look like a husband a wife who goes shopping? Sa isipan pa ni Rosie. Gosh, Rosie, why in the first place are you thinking about it? Suway niya sa sarili niyang isip.
"Rosie, which do you think is better?" Marco asked her saka ipinakita ang dalawang bar ng chocolates with different brands.
Nag-isip-isip pa ng kaunti si Rosie bago siya sumagot. "I'll go with this one!" sagot niya sabay turo sa chocolate bar na hawak ng left na kamay ni Marco.
"Alright, thanks!" tanging sagot ni Marco saka sila nag-focus na sa pamimili.
Tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Rosie. He seem to be look like he's used to what he's doing. Parang sanay na sanay na siya sa mga ganitong bagay. Kung titingnan siya ni Rosie, para bang araw-araw niyang namamalengke. He keeps smiling sa mga sales staff like he's always here everyday. Ganito ba siya kasanay mabuhay mag-isa? Tanong ni Rosie sa isipan niya saka mabilis na iniba ang direksyon ng kanyang tingin ng bumaling si Marco sa direksyon niya.
Sinimulan na lamang niyang bilhin ang mga necessities niya to maintain her hygiene saka mga canned goods, biscuits, foods, instant noodles, at kung anu-ano pang puwedeng pangmadalian since nakapamalengke naman siya kanina ng mga gulay.
"Dami na niyan, ah?" Marco asked her.
Tiningnan naman ni Rosie ang basket niya na punong-puno that time. "Oo nga, e. Mukhang mapapahaba ang resibo ko nito," pagbibiro ni Rosie.
"You should've only picked what you really need," advise ni Marco sa kanya.
Natigilan naman siya do'n saglit saka napaisip. He sounded like Rich. Practical. Rosie just shrugged her head on the thought of it. Bakit ko nga ba sila kinukumpara? They're different persons for pete's sake, Rosie! Why are you even thinking about Rich just now? Nagmo-move-on ka, hindi ba? Aniya sa mismong isipan niya.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Marco sa mukhang nabalisang mukha ni Rosie.
Napakurap-kurap naman ang dalaga saka bumalik sa kanyang huwisyo. "A-Ah, yes I am," wala sa katinuan niyang sagot.
"You want me to carry your basket? It looks heavy," alok ni Marco.
Rosie shook her head. "No, Marco. Kaya ko na 'to. Stop making everything easy for me. Paano ako macha-challenge niyan?" pagbibiro ni Rosie.
Nagkibit-balikat na lang si Marco. "Fine, then," he said and winked.
Pasado alas sais na nang matapos sila sa groceries. Mabuti na lang at may sasakyan si Marco, kung hindi ay maglalakad pa sila pauwi at baka anong oras na makakakain ng hapunan. Rosie loves walking though, but not at night. Pero maganda ang El Paraiso sa gabi. Dahil nga tanaw sa terrace ng apartment ni Rosie ang dagat, she always enjoy that view. Maraming tao kahit gabi. May nagdi-date, may nag-iinuman, may nagtutugtugan. People here are just living a merry life.
"Paano, dito ka na lang?" tanong ni Marco nang nasa tapat na sila ng unit ni Rosie. Tumango lang ang dalaga bilang sagot saka pumasok na sa unit niya. She decided to just go with wheat bread and boiled egg to satisfy her stomach for tonight. She doesn't want eating heavy meals at night dahil mahihirapang tunawin 'yon ng sikmura niya. She knows herself more than anyone does, mahina ang panunaw niya, especially sa gabi.
Akmang bubuksan na niya ang sliding door papuntang terrace para tumambay sana nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. She raised an eyebrow before she knew na naglalakad na siya patungo rito. Binuksan niya ang pintuan, at hindi na siya nasurpresa sa nakita niya. It's Marco. Always him.
"O, Marco? Bakit?" tanong niya sa binata na nakapamulsa pa sa labas. Tiningnan niya lang ito habang may dinudukot ito sa kanyang bulsa.
"I am just going to give you this. Here, take it!" aniya sabay lahad ng chocolate bar.
The same chocolate bar na pinili ni Rosie kanina sa grocery store. Wait, does it mean. . .it's for me? Naguguluhan siya sa kanyang isipan.
"A-Akala ko?"
"Take it," tila nagmamadali ang boses na sabi nito. "Para talaga sa 'yo ito. I'm glad we have the same taste sa chocolates," dugtong pa ni Marco.
"Actually, hindi naman talaga ako mahilig sa chocolates, but that one became my favorite dahil laging binibili sa 'kin ni Rich noon 'nung—" tuloy-tuloy niyang sabi na tila wala sa sarili at nang na-realize niyang sumusobra na yata siya ay nagpreno na siya ng bunganga. "I mean, nevermind," dugtong niya pa.
Hearing those from Rosie's mouth, masakit. Nasaktan si Marco. What will he expect from a girl who's in the stage of moving-on? Natural ay kalimitang mababanggit pa rin niya iyong dati niyang nobyo unconciously. Hindi dahil gusto niyang maaalala kundi dahil iyon ay mga bagay na nakasanayan na niya.
Tila nag-freeze na ang kamay ni Marco habang abot iyong chocolate bar. Hindi siya naka-imik agad. "S-So, aren't you going to take this? S-Sorry if it r-reminded y-you of y-your—" bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sumagot na agad si Rosie.
"Ofcourse I'll take it!" sabay hablot niya niyon sa kamay ni Marco. "Thanks, Marco! Kainin ko agad ito ngayon," dugtong niya pa sabay ngumisi.
Hindi malaman ni Marco kung dapat ba siyang matuwa sa mga sagot na iyon ni Rosie. Deep inside him, he wanted to be happy dahil tinanggap ni Rosie iyong binigay niya. Pero nalulungkot siya dahil naging rason pa tuloy iyon para saktan niya ang sarili niya. He didn't expect na sa dami ng chocolates sa grocery store, magkakapareho pa sila ng binili ni Rich para kay Rosie. Pain just strucked his chest with the thought na ang hirap palang iliko ang dalaga sa nakasanayan niya. This won't be easy for him pero dahil ito na lang ang tanging pagkakataon niya para siya naman ang makasama ni Rosie, he's much more willing and thrilled to pursue making special efforts for her.
Binawi na niya ang kanyang kamay saka inilagay 'yon sa kanyang bulsa. "You're welcome! Ang sabi kasi nila, kapag kumain ka ng chocolates, nakaka-hyper daw. Kaya bukas mo 'yan kainin during the interview," palusot ni Marco saka pasimpleng ngumiti ng pilit.
"Kinakabahan tuloy ako! Saglit, ayaw mo bang pumasok? Tara, tambay tayo sa terrace?" alok ni Rosie. "Mukhang lagi na lang kasi tayong nag-uusap dito sa tapat ng unit ko. Nakakahiya naman sa boss ko." Pinagdiinan pa ni Rosie ang salitang boss.
Ang kanina'y eemote-emote na si Marco ay nabuhayan tuloy. Is this for real? He couldn't believe it. Lumiwanag at kuminang ang mga mata niya.
"Hindi mo 'ko boss sa labas ng workplace, Rosie. I am a friend," mabilis niyang sagot saka pumasok na sa loob. Labas sa ilong iyong sagot niya.
Friend? Friend nga lang ba talaga ang pakay?