Chapter 17
Camille's POV
Pagkapasok sa silid ay agad nitong sinarado ang pinto. Ni hindi nito pinansin si Engr. Reyes nung makasalubong namin ito sa hallway.
"Tell me. Why are you so mad at me?", frustrated na tanong nito. "Ganun na ba talaga kalaki ang galit mo sakin para magpa-usok ng sangkatutak sa opisina ko?", he asked furious.
"Iniiwasan ko lang na magkaron ng tyanak dito.",taas kilay kong sagot.
"Really? O baka naman naiinggit ka lang kasi matagal ka nang tigang.",ani Sean habang papalapit sakin.
"Hindi ako naiinggit sa kababuyang ginagawa nyo. Nakakadiri kayo.",madiing sabi ko dito.
"Huh!", He gave me a sarcastic smirk. "Siguro kaya ka iniwan ng groom mo dahil ang boring mo.",Ani nito na patuloy ang paglapit sa akin.
"A---anong sabi mo?",naiiyak ako sa galit dahil sa sinabi nito.
"I know that you have a run away groom Architect. Kung galit ka sa kanya wag mong idamay lahat ng lalaki lalong lalo na ako dahil wala akong kinalaman sa nakaraan mo.",I even saw he's jaw clenching with anger.
Hindi ko napigilan ang pagtakas ng luha sa mata ko.
"Wow ang galing mong umarte.",pumapalakpak na sabi ko . I bit my lower lip to control my sob. "Infairness sa acting mo ha. Ang galing bravo!",tuloy tuloy na luha ang bumagsak sa mga mata ko. Takte ayokong magmukhang kawawa pero hindi ko na mapigilan.
"Hindi ako umaarte at lalong hindi kita kilala.Tulad ng sinabi ko sayo kahapon may mga taon na hanggang ngayon hindi ko matandaan.Now tell me bakit ka ba galit na galit sakin huh? I know that its impossible because I have fiancee pero di ko mapigilang itanong sa sarili ko dahil kahit ako gulong gulo na sa nararamdaman ko.Alam ko hindi ako ang run away groom mo pero tatanungin kita. Am I your run away groom?", He's voice cracked. I even saw him look up at the ceiling trying not to cry.
Sa sobrang diin ng pagkakakagat ko sa ibabang labi ko ay nalasahan ko ang sarili kong dugo. Gusto ko syang sigawan pero parang may kung anong malaking bara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.
I wiped the tears from face and I tried to swallow the blockage in my throat.
Our eyes met and I saw in his eyes that he's begging for my answer.
Muli syang lumapit hanggang sa macorner nya ako lamesa na nasa silid. "Ako ba?", malakas na tanong nito.
"Oo ,Oo ikaw. Ikaw yung run away groom ko.Ikaw yong lalaking dahilan kung bakit ako nagkaganito. Ikaw yong lalaking sobrang minahal ko pero niloko ako. Ikaw ... Ikaw yong lalaking nang gago sa akin.",hindi ko na napigilan pang humagulhol habang sinusuntok sya sa dibdib.
Napaatras sya ng bahagya dahil sa sinabi ko. "Imposible . Pa---paanong ako? My fiancee ako. Ba---baka nagkakamali ka lang?", Nabubulol na sabi nito.
Lalo akong napahagulhul sa sinabi nito.
Hindi ba talaga nya ako naaalala, may amnesia ba talaga sya? Tama lang ba na sinabi ko sa kanya ang totoo?
Lumayo sya sakin at kitang kita ko ang pagkalito nya sa mga sinabi ko. Nakahawak sya sa ulo nya habang nakatitig sa akin . "Paanong nangyari yon? That time engaged na ko kay Loisa?", bumuga pa ito ng malalim na hininga.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak lang sa harapan nya. Sobrang sakit malaman mo na hindi ka maalala ng taong sobra mong minahal. Mas masakit pa to nong araw na iniwan nya ako.
"I can't believe this.",narinig kong sabi ni Sean at nagmamadaling lumabas ng silid.
Eto na naman ako. Iniwang luhaan . Sabi ko sa sarili ko makikipaglaro ako sa kanya. Nangako rin ako na this time ako naman yong mananalo. Pero eto ako talo na naman. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak umiyak hanggang sa nagdesisyon akong lumabas.
I saw Fred and Adrianleaning against the wall. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nila. I smiled at them. "Im okay", sinubukan kong hindi mabasag ang boses ko.
Agad akong niyakap ni Fred. "I know your not."
"Hehe ano kaba It's ok not to be okay .Normal naman tong nararamdaman ko diba?",pinilit kong patatagin ang boses ko at ginantihan sya ng yakap. Nginitian ko si Adrian na matamang nakatingin sa amin.
Its been a month simula nung madrama naming pag-uusap ni Sean. Isang buwan ko na rin syang hindi nakikita. Last week I got promoted as a COO of the company. Narinig ko sa board na busy sya si Sean sa mga nya meetings abroad. Mas ok na rin siguro ito kesa naman araw araw kaming magkita.
I took time for me to heal and get over everything that I've been through. May mga gabi na umiiyak pa rin. I felt sorry for myself dahil kahit anong pilit ko,pilit pa rin akong humahawak sa nakaraan ko.
"When are you going to stop feeling sorry about your self iha?",nawala ako sa pagmumuni muni ko ng marinig ko ang boses ni mama.Umupo ito sa tabi ko habang nakatanaw sa malawak na syudad ng maynila. Nandito kami ngayon sa terrace ng condo unit namin ni Cindy.
"Being bitter towards the rest of the world wont get you anywhere. Bata ka pa take control of your life again. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. You have to forgive the people who has hurt you not because they deserve it,but for you to move on with your life.", Napalingon ako sa gawi nya at nakita ko syang nakangiti sa akin.
I smiled back at her. She had a point but it was easier to said than to be done. I felt broken beyond repair.
"Ma",hinawakan ko ang kamay nito.
"Kaya mo yan anak. Alam kong kaya mo.",senserong sabi nito.
"Thank you ma.Thank you for everything I love you.",niyakap ko ito kasabay ng pagtawag sa amin ni Cindy.
"Ms.Fajardo ,bestie kain na muna tayo."
Lahat kami ay halos masamid sa kakatawa dahil sa mga nakakalokang kwento ni Fred. Mayamaya pa ay narinig namin na may nagdoor bell.
"Ako na",sabi ko sa mga ito at pumunta sa pinto. Hindi na ako nag abala pa nasilipin ang doorhole malamang ay si Kyle ito dahil wala naman kaming ibang inaasahan kundi sya.
"Oh baki-----",naputol ang sasabihin ko ng isang kumpol ng white and red roses ang sumalubong sa mukha ko.
"Congrats!", malawak na ngiting inabot sakin ni Adrian ang bouquet.
"bakit may pabulaklak pa? Hehe pero thank you makakauwi kana",biro ko dito at akmang isasarado ko na ang pinto ng pigilan nito at ngumuso na parang aping api.
"Grabe ka sakin ,di mo ba ako namiss 2 weeks kang walang poging engineer na nakasama", natawa ako sa sinabi nito ang cute nya. Well friends na kami simula ng mangyari ang tagpo namin ni Sean .Isa sya sa walang sawang nakinig sa mga drama ko. I considered him as my boy bestfriend.
"Sino ba yan bat ang tagal mo?", Tanong ni Cindy na ngumunguya pa habang papalapit samin. ''Oh ikaw pala engineer pasok ka. Alis ka nga dyan sa pinto ang taba taba mo na Camille hoy ang laki mong harang dyan.",sabi nito at tinabig pa ako para makapasok si Adrian.
"Wow flowers. Akin ba to?", Hinigit sa akin ni Cindy ang bulaklak at umabre -syete pa kay Adrian. Naiiling nalang akong sumunod sa kanila habang nakangiti.
Si Adrian naman ay napakamot sa ulo dahil sa inasal ni Cindy. "hehe ano kasi Cinds kay Camille kasi yan.",nahihiyang sabi nito.
Nakita ko naman kung pano sumimangot ang mukha ni Cindy haha kitang kita ko ang pagkadismaya nito.
"Bakit di mo agad sinabi? Tsk ok lang allergy pala ako sa bulaklak oh sayo na yan bestie.",ani nito at humiwalay na sa pagkakakapit sa braso ni Adrian.
"Kumuha ka nalang ng pinggan mo dyan malaki kana.",pahabol pa ni Cindy kay Adrian bago umupo sa hapag.
Pigil kaming napatawa ni mama dahil sa sinabing yon ni Cindy.
"Kamusta ang hotel na tinatayo nyo sa batanes? ", tanong ni mama kay Adrian.
"Medyo nagkaproblema nga eh po kaya pansamantalang hininto ang construction may mga resedente po kasi na ayaw ipatuloy ang project makakasira daw po sa simplicity ng bayan. Kaya natagalan po ako don.",Adrian said.
"Pero natuloy ba ang pagpapatayo? Anong sabi ng mga investor?", Muling tanong ng babae.
"Actually hindi pa po kaya rin po ako nandito para sana makausap si architect I mean si COO para makagawa ng agarabg solusyon. Sobrang mahal ng mga tao don ang lugar nila ni ayaw nilang ipagalaw.",ani pa Adrian.
"Pero hindi ba at pag mamay-ari ng mga Sta. Ana ang lupa? Bakit sila nakikialam?", Tanong ko dito.
"Nakausap ko ang isa sa mga tao don na kasama sa pagwewelga sapilitan daw raw ang pagkamkam ng lupang yon",ani Adrian.
"Ayaw mong ituloy ang project tama?",tanong ko rito.
"Hindi ko kayang tignan ang mga tao habang gingawa ng project na yon.",dagdag pa nito.
"So anong gusto mong gawin ko? Mismong CEO at ikaw ang pumirma ng contract at hindi ako."
"I know. Alam ko kasalanan ko dahil masyado akong naexcite sa project isa pa hindi ba at design mo ang ginagawa namin doon?.....",pinutol ko ang sasabihin nito.
"Correction design yon ng isa sa mga Junior Architect na inaprobahan ko. Saka wala naman tayong paki sa land issue Engr. remember? As long as bayad ang kliyente sa atin labas tayo don.",madiing sabi ko dito.
"Hey hindi ka ba naaawa sa mga tao?", tanong ni mama.
"Ma, architect lang ako hindi ako public attorney na handang tumulong sa kanila. Isa pa si Sean ang pumirma bat ako ang mamomroblema?",sagot ko rito.
Bumuntong hininga sila parehas. "Im sorry", sabi ko sa mga ito. "Hindi ko sinasadya na pagtaasan kayo ng boses mama masyado lang po akong stress sa mga sunod sunod na problem sa company.Im sorry.", Hingi kong paumanhin dito.
Tinignan lang nila ako. "Okay fine Im gonna talk to Sta.Ana's.",kita ko naman ang pagngiti ni mama dahil sa sinabi ko.
Chapter 18
"Architect hindi ko inaasahan ang pagpunta mo dito.",Sebe Sta.Ana was sitting pretty at his swivel chair while bitting his lips.
Deredertso akong lumapit sa table kung nasan ito at marahang ibinagsak sa envelope na hawak ko.
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. My team wants to back out sa pinapagawa mong project sa batanes. If you want to ask me why? It's because napag-alaman namin na hindi sa inyo ang lupa na pinapatayuan nyo ng hotel. Here mga ebedensya yan na sa magsasakang si Antonio Emperial ang lupa at hindi sa inyong mga Sta. Ana.",sabi ko rito habang abala ito sa pagtingin sa mga papel na ibinigay ko sa kanya.
"Architect as far as I know hindi ikaw ang nakapirma sa kontrata.", Prenteng ibinagsak nito ang mga papel.
"Im the COO of the company mr. Sta.Ana.As I said my team wants to quit. "
"Im sorry pero mukhang hindi kayo close ng CEO nyo. Sean Montevardo knows everything about this Ms. Architect.",sabi nito habang papalapit sa akin.
"I don't believe you.Hindi to magagawa ni Sean.", madiing sabi ko rito.
Tinanggal nito ang ilang hibla ng buhok sa balikat ko na syang ikinalunok ko ng laway.
"Why don't you ask him.",bulong nito sa punong tenga g habang nasa likuran ko sya.
Lumayo ako ako rito at huminga ng malalim.Tinignan ko sya ng masama.
"Don't you remember g? Im Sean's best friend. We shares each other secret.",He smirk at me like a devil.
"I don't care about your dirty secrets. Wag nyong apakan ang mga inosenteng tao para lang yumaman kayo.",singhal ko dito. "Itigil nyo ang project na yon."
"Did you already read the contract?",tanong nito na hindi na aalis ang ngiti.
"Wh-----at's in the contract?", Nanginginig na tanong ko dahil sobrang lapit nya sa akin.
"Then ask your Ex my dear. Ask him.",He said in seductive way.
Knock ...knock ..
"Sir ,Mr. Montevardo is here.",ani Secretary nito.
"Tell him to wait may tatapusin lang kami ni Architect", sabi nito at muling ngumisi sa akin.
"Wala tayong tatapusin Mr. Sta Ana. Because whether you like it or not ihihinto namin nag proyekto.",pagkasabi ko non ay ang saktong pagbukas ng pintuan.
Nagkasalubong ang mga mata namin ni Sean. Nakita kong medyo pumayat sya pero hindi nakabawas sa kagwapuhan nya. Agad akong umiwas ng tingin. At derederetsong naglakad.
"Tell her that you know everything", I heard Sebe's voice.
Lumingon ako sa kanilang dalawa at kitang kita ko ang pagtigas ng panga ni Sean. Para syang galit na galit sakin. Teka may ginawa ba akong mali?
"Yes I know everything.", deretsong sagot nito.
"Wala kang puso.",mataman ko syang tinitigan sa mata.
"Its because of you cheater.",Sean loud voice echoed.
"What? Did you call me what?",I ask confused
"Acting like an innocent angel huh?.", He smirk at me.
"What are you talking about? Im not a cheater.",nagsalubong bigla ang kilay ko dahil sa sinabi nito.
"Talaga ba!?",Sean shouted at me. "Ang galing mong umarte. Ang galing galing mong umarte na ikaw yong sobrang nasaktan . 1 month kung sinisisi ung sarili ko kung bakit ka nagkaganyan. Hindi ko nagawang magpakita sayo dahil hiyang hiya ako. Pero p****-**a ginawa mo akong tanga. You cheated on me the night before our wedding. You fooled me ",I see the hatred and disgust in his eyes.
Tuluyan ng nagbagsakan ang luha ko ng maramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak ni Sean sa braso ko.
"Now !Hindi ka makapagsalita? You sl*t ! Akala mo ba hindi ko malalaman lahat?",mas lalo pang dumiin ang hawak nito sa akin.
"I don't know what are you talking about, hindi kita niloko. Bakit hindi mo nalang aminin sa sarili mo na ikaw yung nanloko? Bakit hindi mo nalang sabihin sakin na hindi mo ako mahal kaya ka hindi sumipot sa kasal natin. Bakit kailangan mong baliktarin ang kwento?",I said while wiping my tears away.
"Your such a sl*t Camille. Sobrang kati mo,hindi ba ako sapat sayo huh para bumukaka ka sa ibang lalaki?",halos mawalan na nang kulay ang kamay ko dahil sa higpit ng hawak nya sakin.
"Se..Sean nasasaktan ako.",wala paring tigil sa pagbuhos ang luha ko. Sobra akong nasasaktan physical pero mas masakit yong nararamdaman ko emotional.
"Bro stop.",awat ni Sebe.
"Stop? Why Seb? Hanggang ngayon ba may relasyon kayong dalawa huh?Hanggang ngayon ba natitikman mo pa rin sya?",hinikit ni Sebe ang braso ko na hawak ni Sean. Sobrang nalilito ako sa nangyayari. Paano nya nasabi na may relasyon kami ni Sebe.
"All this time ginagago nyo akong dalawa! Kaya pala hindi mo sinasabi sakin ang nakaraan ko kasi malaki ang kasalanan mo sakin. And you sl*t!",Sean pointed his finger to me. "Ang galing mong umarte na sobra kang nasaktan.Napaniwala mo ang lahat na ikaw ang niloko. Your such a sl*t Camille isa kang p*ta."
I slapped him really hard. "Alam mo tanggap ko na na hindi mo ako mahal, na hindi mo talaga ako minahal. Tanggap ko na pinagmukha mo akong tanga. Pero ang pagbintangan mo ko sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Sobra na. Sobra sobra na.", I wiped my tears harshly. Tumingala pa ako para pigilan ang mga taksil kong luha.
Muli akong tumingin sa kanya. "How dare you to call me sl*t if there's nothing happened to us?",I said while pointing my fingers on his chest.
"And you Seb. Alam mo na kahit kelan walang nangyari sa atin.",my voice cracked because of the pain.
"Camille your drunk, we're both drunk that tim....",he said trying to reach my hands.
"No! Sinungaling ka!", I shouted with frustration. "Seb why do you have to do this? Huh? Sabihin mo yong totoo walang nangyari satin.wala!",hindi ko alam kung bakit gingawa to ni Sebe. Ang tanging alam ko lang ay para akong pinapatay ngayon.
"Camille listen to me. That night we're both drunk. You told me that you don't really love him. Remember? ",Sebe said trying to reach my hands again.
"Shut up Sebe! Wag kang gumawa ng kwento.",I slapped him.
"Enough with your drama Architect. Dahil kahit hindi sabihin sakin ni Sebe. I already knew it. Pinaimbistigahan kita at hindi ko akalain na hindi lang pala design's inooffer mo sa client. Pati pala sarili mo. What a professional sl*t you are.",Sobra na akong naiinsulto sa sinasabi nya. Grabe na yong sakit. Para akong sinasaksak ng paulit ulit.
Chapter 19
Camille's POV
I looked at Sean and smile bitterly. "Oh well. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sayo? Sige paniwalaan mo lahat ng gusto mong paniwalaan. Isiipin mo lahat ng gusto mong isipin tungkol sakin. But don't you dare come back to me and say sorry kapag naalala mo na lahat lahat.",I was about to exit nang maalala ko ang tunay na pakay ko dito.
"Stop that project Sean. Wag nyong apakan ang mga inosenteng tao para lang makaangat kayo.", Pagkasabi non ay dalo dali na akong umalis.
I can see in my peripheral vision how Sebe smirk. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa to. Kung bakit kailangang nyang magsinungaling. Kung bakit kailangang nya akong siraan kay Sean. Hindi ko alam kung bakit kailangang nyang sabihin kay Sean na may relasyon kami. Sebe is Sean's best friend but I don't know him to much. Sa tagal ng relasyon namin ni Sean iilang beses pa lang namin sya nakasama. Kaya hindi kk mabasa kung ano ba talaga ang motibo nya.
After that incident pinilit kong maging busy. Hindi ko rin sinabi sa mga taong malalapit sa akin ang nangyari masyado ng madrama ang buhay ko. Ayoko ng kaawan pa nila ako. Ayoko na ring mag-alala sila. Tinuloy tuloy ko rin ang pagkunsulta sa psychiatrist ko para matulungan akong mabawasan yong stress ko. Tanging sya lang ang sinasabihan ko ng mga nangyayari sakin.
Next month itutuloy na ang proyekto sa batanes. Ilang beses umalma sa board si Adrian pero Sean's decision is final.
Flashback
"Sir maraming maaapektuhan sa gagawing project sa Batanes. Hindi man lang ba natin iisipin ang kapakanan ng mga tao don?",Giit ni Adrian kay Sean.
"Bakit di mo subukang mag-aral ng Law? At mag apply sa Public Attorney's office. Your an Engineer remember? A project engineer is responsible for the engineering and technical disciplines needed to complete a project. Right?You also work to plan projects, establish project criteria, coordinate project reviews, and ensure the proper implementation of project elements. Hindi kasama sa trabaho mo ang pangingialam sa usaping lupa.",Mahabang sagot ni Sean.
Nagkatitigan kami ni Adrian dahil sa sinabi nito. Ramdam ko na humihingi ng tulong sakin si Adrian pero ano nga bang gagawin ko? Napabuntong hininga nalang ako at nag-iwas ng tingin dito. Ayoko muna makialam ,ayoko muna makipagtalo.
"Sir hindi ba makakasira sa company image ang gagawin natin?", Muling sagot ni Adrian.
"If you don't want to do that project. You better resign.", Deretsong sagot ni Sean.
"But I also want to remind you.Kapag hindi mo ginawa yung project you need to pay 70 million pesos for breaching the contract.", Sean said as he leans on his chair.
"Your unbelievable.",yon lang ang nasabi ni Adrian at derederetsong lumabas sa board room.
"Mr. Montevardo may point si Engineer Reyes. Makakasira to sa image ng Emerald kapag nalaman ng media ang tungkol sa issue na to.",Mr. Villaforte said.
"Media won't know about this unless isa sa inyo ang magsabi sa kanila. Right Architect Camille?", Sean's narrow his eyes on me.
I just nodded at him.
"Wala ka bang sasabihin? Parang ang walang kwenta mo naman atang COO.Ni hindi ka marunong magbigay ng opinion sa isang board meeting.",Pangkukutya nito sa akin.
"Yan ba ang binoto nyo para maging COO? Walang kwenta.",pagpapatuloy nito.
"Im sorry sir, kung sa tingin nyo hindi ko deserve ang position na to pwede nyo naman po akong tanggalin.", lakas loob na sagot ko rito. Kanina ko pa pinipigilan ang galit ko.
"Why? Gusto mong maging Architect nalang ng kumpanya para magawa mo ang mga ginagawa mo noon? Why? Do you miss having an intimate moment with your clients?", he asked sarcastically. He insulted me in front of the board members.
Kitang kita ko kung pano nanlaki ang mga mata nila kasabay ng pagbuka ng bibig.
"Mr.CEO hindi ba parang sobra naman ata yang mga sinasabi mo. Pinagbibintangan mo si Architect Delos Reyes na gumagawa ng kababuyan.",Louie Aragon defending me.
"Gusto ko lang malaman mo na isa ako sa mga naging kleyente nya. Pero ni dulo ng daliri nya hindi ko nahawakan. Dont judge her as if you really know her."kuyom ang mga kamao nitong nakatingin ng deretso kay Sean.
"Mr. Aragon its okay. Magreresign nalang ako bilang COO.", I said and give him a smile.
"Why? Paninindigan mo na ba ang pagiging pokpok mo?",Again Sean insulted me in front of the board.
"Eh gago ka pala eh.", Agad na tumayo si Louie para sunggaban si Sean.Mabuti nalang at maagap na pumagitna si Mr.Villaflor at iba pang board members. Maging ako ay napatayo rin dahil sa pagkabigla.
Hindi naman natinag sa pagkakaupo si Sean at ngumisi lang sa kaharap.
"You don't know her .So stop insulting her!", Madiing sabi ni Louie.
"For your information Mr. Aragon Im her run away groom.",Prenteng sabi ni Sean habang tumatayo sa upuan. "At alam mo ba kung bakit hindi ko sya sinipot sa mismong araw ng kasal namin?", Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa habang pinakikinggan si Sean. Tumingin ito sa dereksyon ko at dinuro ako. "Because that sl*t cheated on me the night before our wedding."
"No!",halos walang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa panghihima ko sa mga naririnig kay Sean. Ilang beses nya ba akong ipapahiya? Ilang beses nya bang ipagpipilitan na niloko ko sya?
"Enough Sean.",suway ni mr. Tantonco.
Agad naman akong inalalayan ni Louie ng makita nya ang panginginig ng kamay at pangingilid ng luha ko.
"Best actress.", I heard Sean chuckled before leaving the room.
End of flashback
"Hoy friend ano ba kanina pa kaya kita kinakausap.",ani Fred na winawagayway pa ang kamay sa harapan ko.
"Huh?Oh Im sorry ano nga ulit yon?",tanong ko dito.
"Regarding sa project sa Batanes diba ikaw yong pinadala don ng evil ex mo para baguhin ang design.",Fred rolled his eyes.
"Oo actually may mga ginawa na akong design para don.",sabi ko habang inaabala ko ang sarili ko sa harap ng laptop ko.
"Hindi ka man lang tumanggi?",kunot noong tanong nito."Bigla ka nalang nyang tinanggal sa pagiging COO mo. Tapos pinagbintangan ka pa nyang manloloko. And worst is tinawag ka pa nyang pokpok."
"Ayoko na munang makipagtalo sa kanya.Isa pa hindi ko naman talaga gusto ang position na yon. Tatapusin ko lang tong project na to pati na rin ang sa Cebu at Davao tapos magpapahinga na muna ako." I relaxed my back and lean slowly at my swivel chair.
"Ininsulto ka nya Camille wala ka man lang bang sasabihin? Sya ang nanloko sayo pero sya pa tong may ganang magbitaw ng mga ganung salita? Isa pa yang Sta.Ana na yan hah. Ang kapal ng mukha",Fred looks really irritated.
"I want to be honest to you Fred. Tatanggapin ko ang project sa Batanes hindi dahil sa gusto ni Sean . Pero dahil gusto kong alamin ang totoong pakay ni Sebe.",kitang kita ko kung pano kumunot at nagsalubong ang kilay ni Fred dahil sa sinabi ko.
"Alam mo naguguluhan na ako ha. Imagine this. Ayon sa sinungaling na imbestigador ni Sean ,you and Sebe has a thing right? Eh bakit nakipagdeal pa sya sa gago nyang bestfriend? ",Ani Fred at pinatong pa sa lamesa ko ang dalawang kamay nya.
"Isa rin yan sa aalamin ko."