Chapter 23

1747 Words
"Where were you last night?" Tanong ni Elli sa matigas na tono.  Pababa pa lamang ako sa hagdanan ay sinalubong na kaagad niya ako ng tanong. I massaged my temple, medyo nahihilo pa ako dahil naparami ang inom ko kagabi. Hindi ko na nga matandaan kung anu-anong alak ang pinag-iinom ko eh. Hindi ko siya pinansin at nagtungo sa kusina para magsalin ng malamig na tubig sa baso.  Sinundan naman ako ni Elli, hindi ako tinatantanan.  Can't he see that I'm still dizzy? "Hindi ka mapigil sa pag-iinom kagabi tapos nawala ka pagkatapos. Saan ka nagpunta?"  I placed the glass on the table bago siya tinapunan ng tingin.  "May hangover ako, magluto ka ng sopas," utos ko bago umupo at pumalumbaba.  His lips protruded at my command pero nagsimula na namang kumuha ng kakailanganin para sa lulutuin.  "Nagkamali ka ng taong inutusan. It should be Jaron." "Where's that asshole?" I drawled. Si Elli  lang yata ang nakikita ko ngayon. The other three were nowhere to be found. Whenever I'm in this kind of situation, palaging nandito si Jaron and he'll surely tease me where I was last night.  "Mag-ingat ka nga sa mga salitang ginagamit, Pauline. It's unwomanly." I scoffed. "What does it makes me, then?"  Hindi naman siya sumagot at wala na naman siyang sinabi pa at inabala na yata ang sarili sa pagluluto. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko ngayon, gusto ko pang matulog.  Illinois placed a bowl of hangover soup in front of me kaya umayos na ako ng upo at matamlay na naghalo.  He sat across me while both of his arms are placed on the table, crossed.  "So? Where were you last night?" I thought he'll stop asking! Nginuya ko ang unang subo bago ko siya sinagot. "Home?" Elli shot his brows up. "Did you met some guy and had s*x?"  Nabulunan ako sa diretsong tanong ng pinsan ko kaya dali-dali akong nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Padarag kong nilagay ang baso sa lamesa which made a loud sound.  "The f, Illinois?! Why would you ask me that?" He leaned on his chair while giving me a heavy stare. "So you did?" I rolled my eyes at him. "Of course not! I kissed some stranger last night but that's that!" "If that's it, ano ang ginamit mo para makauwi dito? Both of your friends didn't know where you were at magkasabay kaming umuwi kagabi." My mouth gaped, nangangapa ng maaaring isagot sa pinsan kong nang-uusisa. He just won't stop asking!  I sighed at binitawan ang kutsarang hawak. "Does that matter? Basta't nakauwi ako, safe and sound!" "Sinong naghatid sa'yo?" I immediately tore off my gaze at my cousin, looking at my glass beside my plate.  Hinalo ko ang sopas, binuhos ang buong atensyon doon. "Regis drove me home," I tried very hard to sound nonchalant. I hope my cousin didn't hint something suspicious from my voice.  When I lifted my head up, I saw how Elli shifted on his seat uncomfortably. Nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya, kaagad siyang ngumiti. Kumunot naman ang noo ko. I can sense his uneasiness. Why? "I said, Regis drove me home. Are you okay Elli?" I asked worriedly after seeing trickling beads of sweat in his forehead.  "Regis? The Cuevas guy?" I nodded. "The guy we met in the Gomez's party. You don't remember him?" He shook his head and bowed down a bit. "I surely do," he said in almost a whisper.  He stood up and placed both of his hands on his pockets. "I've gotta go. Hangover pa si Jaron at Kloe. Micca's on a date with her boyfriend." I nodded and smiled a bit. "Okay. Thanks." After eating Elli's hangover soup, hindi na masyadong masakit ang ulo ko kaya naligo na lamang ako. Wala akong lakad ngayon kaya baka dito lang ako sa bahay ngayong araw.  Nakatulog ako ulit at nagising ng mga dapit-hapon. This time, wala na akong nararamdamang sakit sa ulo o pagkahilo. Binuksan ko ang kurtina sa aking kwarto at nakita ko ang nakaparadang pamilyar na sasakyan sa labas.  Range Rover na kulay puti? Of course, it's not ours nor Lolo's. Unang kita ko pa lamang sa sasakyan ay malalaman mo ng mamahalin talaga. That car is somehow familiar pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Maybe in parties? Natigil ang pagmamasid ko sa sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay namin nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nang binuksan ko ay bumungad sa akin si Manang Aryela.  "May naghahanap sa iyo sa baba. Manliligaw mo yata pero wala naman akong nakikitang dalang bulaklak at tsokolate?" Bungad ng ginang sa akin. "Pero wala ka namang manliligaw na pumupunta dito sa bahay para pormal na manligaw kaya baka kaibigan lang at may kailangan," sabi nito habang tumatango-tango, kumbinsido sa sariling sinabi. Kaagad akong lumabas ng kwarto at naglakad pababa sa hagdan. Manang Aryela tailed me from behind.  Nasa gitna pa lamang ako ng hagdanan ay napatigil kaagad ako sa paghakbang at muntikan pang mahulog dahil bumangga si Manang Aryela sa likod ko, siguro hindi niya inaasahan ang biglaang pagtigil ko.  Kaagad namang lumipat ang atensyon ni Regis sa akin mula kay Mama na nagpatigil sa usapan nila. "Nandiyan na pala siya, hijo. Le'-"  Kaagad akong nagmartsa paakyat ng hagdan. "Le'! May bisita ka!" Iyon lamang ang narinig ko galing kay Mama bago ako nakarating sa pangalawang palapag.  I can feel Manang Aryela's presence from behind pero mabigat at malalaki ang bawat hakbang ko papunta sa kwarto ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng ginang at padabog na nagsara ng pinto. I locked the door before leaning on it.  I can hear Manang Aryela's knocks pero parang wala akong marinig dahil sa pagtambol ng puso ko.  I am just wearing dolphin shorts and a plain white shirt and my hair's in a messy bun. I imagined how I looked like in front of Regis' eyes!  Tsaka isa pa, why is the brute here!?  Dali-dali akong nagkuha ng bestidang pambahay at itinapat ito sa katawan ko habang nakaharap sa salamin. My forehad creased when realization dawned on me. I threw the dress on my bed.  I groaned. "Why the hell would I change clothes?" Iritadong sabi ko habang kinakausap ang sarili sa salamin.  I turned side to side to check my outfit. Nasa bahay lang naman ako so this is okay! Ano naman ngayon kung bisita siya? Should I adjust myself just because he's here? Sino ba siya!? He's Regis.  I sighed and massaged my forehead. I am not dizzy anymore pero mukhang mahihilo ako ulit dahil sa katotohanang nandito siya ngayon! I didn't put any lipstick on dahil nasa bahay lang naman but a slight touch of red lipstick will do, right? I pouted my lips and checked it on the mirror. Hindi naman exaggerated ang pagkakalagay, it's almost close to natural so okay na ito. Tinampal ko ang magkabilang pisngi ko para pumula-pula.  Nang binuksan ko ang pinto ng kwarto ay nakita kong aamba na sana ng katok si Manang Aryela pero nang nakita ako ay binaba na lamang niya ang kamay.  "He's still down there?" Tanong ko sa ginang.  "Hindi umalis kahit tinakbuhan mo," sagot ni Manang Aryela habang nakangisi.  Pababa pa lamang ako sa hagdanan ay sinalubong ako ni Mama. "Bakit ka tumakbo, anak? Where are your manners?" Nanggigil na bulong niya sa akin.  Hindi ko na lamang siya pinansin at umupo sa sofa na inupuan niya kanina at nagpatong ng maliit na unan sa hita ko. "Pagpasensyahan mo sana si Le', hijo. Kaya tumakbo kasi baka... nabigla." Awtomatiko naman akong napalingon sa gawi ni Mama dahil sa kanyang sinabi. Nakakabigla ba ang presensya nitong lalaking kaharap ko? Baka nga, tumakbo nga ako eh.  "Manang, handa na ba ang meryenda?" Tanong ni Mama kay Manang Aryela na nakatayo sa tabi niya.  "Pupuntahan ko lang, Ysa." "Ay! Sasamahan na kita, tara!"  Tumaas ang kilay ko. I can see that Mama is overjoyed by her tone of voice. Siya na ang naghila kay Manang Aryela patungo sa kusina dahilan para maiwan kaming dalawa ni Regis.  I crossed my legs before crossing my arms. "Why are you here?" Supladang tanong ko.  Sumimsim siya sa kape na nakapalapag sa lamesa na pumapagitna sa amin.  "May ipinapaabot si Papa kay Don Limuel," sagot niya at nilapag ang tasa ng kape sa lamesa.  Ngumiwi ako sa naging sagot niya. "Pwede namang i-text kung ganoon o 'di kaya'y magpadala na lamang ng tauhan. Bakit kailangang ikaw pa?" He smiled at me amusingly. "Why not me at bakit ibang tao pa?" My forehead creased. "What are you implying? If you're still not done talking about why I won't flirt with you-" He snorted which cut me off. "You're the one who's still not over that talk pero kung gusto mong pag-usapan, sige." I groaned exasperatedly. "Sana nag-text ka na lang o nagpadala ng ibang tao!" "It's personal and why are you insisting that I should have texted or sent another person? Do you really hate having me here?"  "I would love to agree but as an owner of this house, I should welcome every visitor, right? Even if I... uh... hate you." Do I still hate him? I thought I agreed with my thought that I don't? But I can't admit that I don't hate him anymore. Bahala na siya mag-isip! His brows raised amusingly. "Okay, let's say that I should have texted but to whom? I don't have your number." I rolled my eyes in the air. "Duh? Bakit sa akin pa? I'm sure your father has a number of my Dad." He nodded and leaned on the sofa he's sitting at.  "You really have a way of things." He then shook his head. "Pero ako ang ipinadala ni Papa dito. Unfortunately, Don Limuel is not here." He said before looking around. "Akala ko ba ako ang ipinunta mo dito?" Hindi nakatakas ang inis sa tono ng boses ko.  He chuckled. "Funny part, your mom said so. Do you want me to disagree?" "You should have said so! Damn!"  Tumayo ako at balak sanang magpunta sa kusina kung saan nagtungo si Mama kanina.  "But I also wanted to see you. Kaya isa ka sa ipinunta ko dito," sabi niya sa malalim na boses.  My tongue touched the insides of my cheeks and bit my lower lip to stop myself from smiling. I turned to him with my amused face.  "Anong kailangan mo sa akin?" He stood up and glanced at my back for a moment before returning his gaze to me.  "I am trying to solve a problem," he said which made my forehead creased.  "What's that have to do with me?"  He massaged the bridge of his nose. "And I need your help." I raised my brow, encouraging him to continue.  "Give me 11 numbers. It has to be real and has something to do with you." I nodded. "11 numbers that has something to do with me?" I asked myself.  He looked at me attentively.  "Why don't you just ask for my number directly?" I asked derisively.  ____________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD