Chapter 8

2403 Words
"Excuse me! Excuse me!" Si Ayii habang isa-isang hinahawi ang mga estudyanteng nakapalibot sa bulletin board. Malaking kumpulan ng estudyante ang nandoon pero isinisiksik pa rin ni Ayii ang sarili niya habang hila-hila si Jay sa palapulsuhan. " Aray ko ah! Masakit iyon!" Rinig kong sigaw niya, siguro naipit sa dami ng estudyante.  I shook my head and massaged my temple. Hindi ako sumama kay Ayii at Jay sa pakikipagsiksikan at nanatili na lamang sa 'di kalayuan habang nakahilig sa pader.  My phone beeped for a message na agad ko namang binuksan.  From: Isaac Coffee later? Isaac is my boyfriend. It's been a week simula ng naging kami. Nagkakilala kami noong nagpunta akong coffee shop kung saan ako sinama ni Ayii noong ipinakilala niya si Nash sa akin. Dumiretso ako sa coffee shop bago umuwi ng bahay, I was so stressed that time and I am craving for a coffee. Kasagsagan ng midterm iyon kaya na-drain ang utak ko. Paano ba naman iyong kay Ginang Valdez eh puro identification at fill in the blanks kaya nagamit ko talaga ng todo ang utak ko. Nakita ko siya sa coffee shop, nagkakape. He approached me first and then we exchanged our numbers. Nang gabi na iyon ay nag-text siya hanggang sa humaba at dumating na sa ganito.  It's been two months simula noong nangyari kay Gelson at Owen. After that, hindi muna ako nag-boyfriend. I decided to lay low pero kahit ganoon ay may mga sumubok pa rin. I said to myself na bibigyan ko muna ang sarili ko ng dalawang buwan bago tumanggap ng manliligaw at makipag-boyfriend ulit. Ayii even teased me about it and she reckoned that I won't last a week na walang boyfriend which I proved wrong. It was a struggle. Hindi naman kasi ako sanay na walang boyfriend kaya mahirap sa akin ang naunang buwan. Nang umabot na ng isa't kalahating buwan na wala akong boyfriend at hindi pa rin tumatanggap ng manliligaw, Jay asked me about it. They both knew what was my reason back then but Jay started doubting my reason. Sa tingin niya ay baka may iba pa akong rason bukod doon.  Jay's right. May iba pa akong rason but I don't want to admit it to myself. What Regis said that day bothered me. It bothered me the whole day but when I started sorting my feelings, unti-unti namang nawawala na iyon sa isip ko. May mga araw rin naman na sumusulpot lang ang sinabi niya sa hindi maipaliwanag na mga pagkakataon. Whenever I come to think of it, even for just a fleeting moment, I immediately shove it away.  Whenever I reminisce what he said, I immediately recalled all my reasons why I cannot stand him. Why I hate him. Why I hate The King. Anu-anong mga rason ko to make me feel this kind of hatred to Regis. I filled my head with reasons why I should not be bothered anymore. Why should I forget what he said and pretend like nothing happened. Only then, I'll live my days without constraining. His words are like shackles, chaining me from my freedom. And I hate it. I don't know why Regis said that. Hindi naman ako ignorante pagdating sa mga lalaki dahil sa mga experience ko. I can even read their actions and predict what they are going to do.  Iba-iba ang ugali ng mga naging boyfriends ko. Some were naughty and aggressive, nice yet playful, gentleman at may kapareho rin ni Regis na seryoso sa pag-aaral pero may oras namang inilalaan para mag-girlfriend unlike him who's whole focus is set on his studies. I knew what he meant then but I don't want to acknowledge it. He is serious at things that make me feel that he is dangerous for someone like me who is playful. He is transparent yet when you think he is, he is actually opaque. Siya iyong tao na kung kailan akala mo ay kilala mo na pero hindi pala. He is an achiever kaya't hindi na kataka-takang marami siyang kayang gawin but when you look intently, you'll find more wondrous things about him that will overwhelm you. He is the type of person na pinagkakatiwalaan ng lahat and the type of person who won't decide things rashly. Lahat ng bagay ay pinipili ng masinsinan, walang pinapalagpas na pagkakamali. If someone like him engages with someone like me, I feel like magbabago ang pagtingin at opinyon ng lahat sa kanya. He is known as wise and responsible, so choosing me will be his greatest mistake. Being with me will taint his untainted record. I will only ruin the image of The King.  "Shems! Hindi man lang nagbago ang akin!" I heard Ayii said while heading my way. Agad akong umayos ng tayo. Jay patted her back.  "Meron naman ah?" Tumingin naman sa kanya si Ayii with her hopeful eyes. Jay stifled a smile.  "Points nga lang." Pinalo naman siya ni Ayii sa braso. "Bwiset ka! Palibhasa palagi kang honor student amp!"  "Sabi ko namang huwag ka ng tumingin eh. Wala naman ding magbabago," I said nang nakalapit na sila sa akin.  "Meron pala, bababa nga lang." I added and chuckled.  "Naku! Inggit na ako kay Jay ah. Ba't ang talino mo? Anong kinain ng mama mo noong ipinagbubuntis ka pa lang?" Usisa ni Ayii habang nilalapit ang mukha niya kay Jay na natatawa namang umaatras. "Sipag at tiyaga lang!" Jay answered with a proud voice. Ayii snorted and crossed her arms.  "Pero nagcu-cutting naman! Huwag mo akong pinagloloko oy!"  Natawa na lamang kami ni Jay.  "May isang klase pa tayo ngayong hapon, right?" Tanong ko kay Jay. Tumango naman siya bilang sagot.  "Oo kay Mr. Bordino, bakit-" Ayii blocked my vision of Jay at nilapit ang mukha sa akin habang nanliliit ang mga mata.  "Bakit? May planong mag-cutting sis?"  I immediately covered her mouth dahil sinabi niya iyon sa malakas na boses. I looked around us and heaved a sigh. Buti na lamang at abala ang halos nandito sa hallway kung nasaan ang bulletin board.  "Oo! Kailangan ko mag-relax kasi tapos na ang test," sagot ko tsaka binawi ang kamay kong nakatakip sa bibig ni Ayii.  "Paanong relax, Le'? Mamamayal sa hacienda niyo, gano'n?" Sarkastikong tanong niya. Jay immediately shove Ayii away and held my arm.  "Do you have a boyfriend perhaps?" She asked with squinting eyes.  I smiled and nodded. "Yup! Meron." I answered which made both of my friends gasped. "Anyway, isang subject na lang naman kaya okay na akong mag-cutting. Just cover me na lang." "Malandi ka! After two months na jowaless--sino iyan?!" Ayii excitedly asked.  I waved my hand in front of her.  "Isaac," I answered. Tumaas naman ang kilay ni Ayii, may pagtatanong sa mga mata. "I... I don't know his surname. Hindi ko maalala eh pero same school na pinapasukan ni Gelson."  "Akala ko laos ka na eh! Sige sige, ako na bahala kay Mr. Bordino." Ayii said which made me smile.  "Ayaw ko sana pero seeing you happy right now, hindi naman kita mapipigilan pa," Jay said.  "Pero hindi mo ba pwede i-cancel iyan? Mamaya na lang pagkatapos ng klase kasi kalat ngayon ang mga SSG eh," Jay said in a worried voice.  "Alam ko ang ginagawa ko. Hindi naman ako magpapahuli kaya huwag kang mag-alala, Jay." I winked at her and waved my hand to bid them goodbye.  Pumasok ako sa classroom at nagtungo sa upuan ko. I roamed my eyes around and figured out na busy silang lahat sa kanya-kanyang ginagawa. May mga nag-gigitara pa nga sa likod kaya halos lahat ng kaklase ko ay nagkukumpulan doon. Wala naman din si Regis at Migs kaya napangisi ako.  I carefully opened the sliding window at hinulog ang bag ko. Nang makita ko ang bag ko na nakasabit sa puno sa baba ay kaagad akong lumabas ng silid at nagpunta sa likod ng building. Maingat ako sa pagbaba dahil baka makasalubong ko si Migs sa daan. Kampante ako ngayon na hindi magkukrus ang landas namin ni Regis kasi may hinahanda yata ang Council  ngayon para sa field trip na gaganapin ngayong weekend.  Nang makarating sa likod ng building ay kaagad akong nagtungo sa puno kung saan nakasabit ang bag ko. May bench naman sa ilalim ng puno na pinagtatambayan ng iilan pero dahil kasagsagan ngayon ng klase ay walang tao dito sa likod.  Nakahawak ako ngayon sa bewang ko habang nakatingala sa bag kong nakasabit. Pumatong ako sa bench at umakyat sa puno. Hindi naman masyadong mataas ang pagkasabit ng bag ko. Pumatong ako sa unang sangay ng puno and tiptoed a bit at inabot ang strap ng bag ko.  Nang nakuha ko na ay kaagad akong bumaba at tumalon papunta sa bench. Napangisi ako sa ginawa ko at nakaramdam ng paghanga sa sarili. This is a piece of cake! Kayang-kaya ko itong gawin ng paulit-ulit.  Sinuot ko na ang bag sa likod ko at nagtungo sa dulong bahagi sa likod ng building. May abandonadong palikuran doon at puno na ng nagtataasang amorseco. Sa likod ng palikuran na iyon ay pader, at sa likod ng pader na iyon ay ang labas na ng paaralan. Mababa lamang ang parte ng pader dito dahil sa abandonadong palikuran kaya madali lamang akyatin.  Kumuha ako ng malaki-laking bato para sa papatungan ko. Matangkad naman ako pero hindi ko pa rin maaabot ang pader na ito kapag walang papatungan.  Pumatong ako sa bato at sumampa sa dulo ng pader sa taas tsaka tumalon. Hindi ako eksperto pagdating sa pagtatalon sa mga pader kaya pagtalon ko ay kaagad akong gumulong. Mabuti na lamang at bermuda ang tapat.  I winced in pain and held my back. I cursed under my breath bago unti-unting tumayo. May gasgas akong natamo dahil sa pagkasabit ng paa ko sa pader pero hindi naman gaanong masakit. Pinagpagan ko ang palda at blouse ko dahil sa duming nakuha ko sa pagkagulong kanina.  I tied my hair in a ponytail at tinaas ang kanang paa ko na may gasgas. Hinaplos ko ito at dinama kung masakit ba pero hindi naman gaano at maiinda lang. Lalakad na sana ako palayo nang may tumawag sa akin.  "Miss Montemayor, cutting. 3: 35 in the afternoon." I immediately turned to the guy at my back at nagulat nang nakita si Regis na may kausap sa walkie-talkie.  Akala ko ba busy ang Council ngayon lalo na siya? The f!  "Saan ka naman pupunta? Magsisimula pa lang ang klase ni Mr. Bordino ngayon ah," he said and checked his watch.  My mouth fell, looking for an excuse. "A-akala ko ba busy ang Council ngayon!?"  "Busy nga," he nonchalantly replied. "Bakit ka napadpad dito?" Tanong niya at tiningnan ang pader na inakyat ko kanina. Napahigpit ako sa paghawak sa strap ng bag ko at iniwas ang tingin sa kanya.  "May inutos si Ginang Vald-"  Agad kong pinalo ang bibig ko para hindi maipatuloy ang sasabihin. "Nautusan lang kaya n-nandito ako."  But he just raised her brows, not buying my reason! "Sino namang nag-utos sa'yo kung ganoon?" Tanong niya. I felt pressured at this moment, wala akong masabi! "Si a-ano.. uh," wala akong mahanap na rason!  "Inutusan ka ni Mrs. Valdez? Talaga lang ah."  He scoffed.  "May sinabi ba akong siya ang nag-utos sa akin ha?!" Naiinis na sabi ko. He put the walkie-talkie on his pocketbefore crossing his arms.  "Sige nga, sino si Ginang Vald..?" He asked, obviously mocking.  "Ginang Vald? May guro ba tayong may apelyidong Vald?" I asked myself, scratching my temple. Mabuti na lamang napigilan ko ang sarili ko kung hindi mayayari ako kay Ginang Valdez dahil ginamit ko siya para sa kagustuhan kong tumakas! His brows furrowed. "So cutting nga?"  I sighed, giving up.  "Oo! Kainis ka naman eh!"  His mouth dropped open. "Ako pa ang nakakainis dahil nahuli kita?" He asked me but not actually asking. I rolled my eyes and fished my phone from my pocket. Nag-text na si Isaac na papunta na siya sa coffee shop. I closed my eyes before typing a reply.  To: Isaac Sorry :(( I'm afraid I'll cancel today's date. May emergency kasi. Bawi na lang ako next time.  I am not the type who cancels dates but I was caught! I cannot possibly go dahil nahuli ako lalong-lalo na at si Regis pa ang nakahuli sa akin! If it's someone not him, kahit miyembro pa ng Council ang nakahuli sa akin, there's a high chance na makakatakas pa rin ako. But with Regis, that's zero possibility.  I looked at Regis' way nang tumunog ang walkie-talkie niya at may nagsalita. "Montemayor? Le' Montemayor ba? Papuntahin daw dito sa office,"  sabi sa kabilang linya.  "Alright," Regis answered at binalik ang walkie-talkie sa bulsa. "Sumunod ka sa akin."  Agad akong nainis sa sinabi niya before stomping my feet. "Huwag mo akong utusan! Pupunta ako, okay!"  Hahakbang na sana ako when I noticed my untied shoelaces. I groaned at yumuko para italing muli nang napa-aray ako sa sakit sa paa ko dahil sa gasgas na natamo ko kanina sa pagtalon. "Pero alibi mo kanina kung bakit ka nandito ay dahil inutusan ka? Hindi ka naman nauutusan kahit kanino," he shot back.  Regis sighed at lumapit sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang tumayo lamang siya sa harap ko.  "What?" Masungit na sabi ko pero tiningnan niya lamang ang paa ko. I find it sensual kasi malapit sa tuhod ang gasgas ko kaya medyo napaatras ako.  He held the small of my back at inilapit ako sa kanya. He then kneeled in front of me which made me think of things I should not think about! I jumped a little when he held my shoe. When I looked down at him, I found him tying my shoelaces.   Nang natapos ay tumayo na siya at nang nalamang sobrang lapit niya ay kaagad siyang lumayo at tumalikod na para maunang maglakad.  It is unusal of him to kneel in front of someone, especially to someone like me. He is known as The King. A king does not bow to anybody. Everyone should bow to him. That's how it is.  How could someone as unreachable as him bow to the likes of me? We never had a conversation simula noong nag-usap kami sa hagdanan two months ago. We never talked after that kahit mag-away man lang. I distanced myself kahit noon pa man ay magkalayo na talaga kami. Kahit naaasar ako sa iilang mga utos niya sa klase ay hindi na ako nagsasalita pa dahil ayaw kong magkausap kami.  Thinking that we'll talk after that confusing conversation is beyond what I expected. I didn't look forward na dadating pa ang panahong mag-uusap kaming muli. And again, wala na yata kaming matinong usapan ni Regis na hindi ako naaasar o napipikon.  Naalala ko ang mga sinabi niya noong araw na iyon. It somehow made me relieve na bumalik na kami sa ganitong sitwasyon pero bakit parang may  kaunting paghihinayang ako na ganito na ulit? ____________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD