"Sa parke ba tayo, Leng?" Tanong ni Manong Oscar, ang driver namin. Day off niya kahapon kaya naman nandito na siya at mahahatid na niya ako sa pupuntahan ko ngayon. Leng ang palayaw ko pero ang tumatawag lang sa akin ng ganoon ay ang pamilya ko at ang mga nagtratrabaho sa bahay. Leng does not exist in school.
"Ah yes po. Doon kasi ang napag-usapan."
Ilang sandali lamang ay nandito na kami sa parke. Malaki-laki ang parke, may iilang puno na nagproprotekta sa init ng araw at puno ng bermuda ang lugar. May mga rock tables at mga upuang gawa sa bato at semento. Ang likod naman ng parke ay ang munisipyo ng Ayazo.
"Kukunin ba kita mamaya Leng?" Tanong ni Manong Oscar sa akin habang pababa ako sa sasakyan.
"Hindi na po kailangan. Baka kasi may pupuntahan pa kami ni Ayii o 'di kaya ni Jay pagkatapos ng meeting," sagot ko. Tumango siya bilang sagot. Hinintay ko pa munang makaalis siya bago ako nagpunta sa napag-usapan naming lugar.
Hindi pa ako nakakaabot ay nakikita ko ng kumakaway ang mga groupmates ko. Sampu na silang naroroon ayon sa nakikita ko. Kung ganoon, ako ang panglabing-isa. Labing-dalawa kami sa grupo ah, sino ang late?
Chineck ko ang oras sa relos ko at napag-alamang limang minuto na pala akong huli sa oras na napagkasunduan. Nahihiya akong umupo sa tabi ni Prezy.
"Sorry, I'm late---"
"Buti alam mo," masungit na pangsasapaw sa akin ni Regis. Of course nandito na naman siya! Bakit ba kasi kami magkagrupo?
Nakaupo siya sa harap naming lahat. Naglaan pa talaga siya ng monoblock chair para sa kanya lang ah? This guy!
I smiled awkwardly at my groupmates. Leche, napahiya ako doon ah! They only flashed me an apologetic smile. Sila pa ang nanghihingi ng paumanhin sa asta ni Regis. Sabagay, he's The King. That is what he is known for.
"Let's start," sabi ni Regis.
Siya ang napiling leader. Siya ang binoto ng lahat ng kagrupo ko kaya kahit umapila ako ay wala naman na akong magagawa pa. Anong laban ng boto ko sa ibang labing-isa?
"Kulang tayo ng isa ngayon. Sinugod sa ospital ang lola ni Blythe."
So ako nga ang pinakahuling dumating!
Tumikhim siya at kumuha ng folder na puno ng papel. Hindi naman ganoon kakapal, feeling ko hanggang trenta na papel lang iyon.
"Nakita ko ang iba sa library so I copied it and encoded it. Ang iba naman ay ang mga na-research niyo na in-assign ko." Sabi niya habang nilagay ang folder sa table na pinalilibutan namin.
Migs, our third honor in class na bakla scanned the papers and distributed it. Nakatanggap ako ng dalawang papel na hindi naman topic ko na ni-research ko. Tiningnan ko siya na may pagtatanong sa mata.
"Kung naguguluhan kayo kung bakit ang natanggap niyo ay hindi ang topic na in-assign ni Regis sa inyo noon, that is intended. Regis found out unnecessary content kaya ang assignment natin ay ang mag take note sa mga importanteng detalye na magagamit sa project natin. Kung sa tingin niyo ay hindi naman kailangang isali ang iba ay i-cross out na agad iyan." Pagpapaliwanag niya. Nagtanguan naman kami bilang sagot.
"Migs is right. Ang daming content na hindi naman kailangan kaya sa ngayon, iyan ang assignment niyo. Tomorrow is the deadline," Regis said. Nagtanguan ulit ang mga kagrupo namin.
"Bukas agad!?" I exclaimed. My groupmates looked at me ridiculously. I felt awkward at their stares. Ang iba naman ay natatawa na lamang.
"Yes, bukas agad Ms. Montemayor. May angal ka?" He asked in a proud voice.
I scoffed.
"Like matatapos namin ito kaagad," I murmured enough for him to hear. Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko.
"Okay naman ang lahat ah? Ikaw lang naman ang nagrereklamo," he countered.
I looked at everyone. They were all smiles while looking at us which stretched my annoyance almost to the brink.
"The deadline is tomorrow, guys. Are you okay with that?" I asked them.
"Hindi naman marami Le' kaya matatapos natin ito bago bukas," sagot ni Evan habang winagayway ang mga papel na hawak niya para makita ko. They all agreed at what he said.
"Naku 'te, dalawang pages lang iyang sa'yo no! Ang iba tigtatatlo naman kaya okay lang iyan," Migs said. Nahiya ako doon ah. Tumango na lamang ako and apologized to my sudden outburst.
That was so immature, damn Le'!
Nagpatuloy kami sa pagdidiskusyon na lumagpas yata ng isang oras. Salit-salit ang tanungan nila na sinasagot naman ni Regis at Migs. May mga suggestion din ang iba tungkol sa mga gagawin.
"Let's wrap up. Your assignment's deadline is tomorrow. Migs here will just text you the details regarding that." Regis said.
Tumango naman ang lahat tsaka nagligpit ng kani-kanilang gamit. Wala naman akong gamit na dala maliban sa wallet at cellphone ko. Nagte-take down notes ang iba habang ako ay sa notes lamang sa cellphone nagsusulat.
"Bukas may meeting ulit tayo at ifa-finalize natin ang tungkol sa in-assign sa inyo ngayon," paalala ni Migs bago kami lumabas ng parke. Sabay kaming lahat palabas at naghihintay ang iba para sa dadaang traysikel, ang iba naman ay may mga dalang motor. Nahuli si Regis at Migs kasi may pinag-uusapan pa.
"Saan ka ngayon Le'?" Tanong ni Yvon habang naghihintay kami sa labasan.
"Ah, hindi ko pa alam. Kukunin ako ni Jay ngayon." Sagot ko habang nagtitipa ng text kay Jay. Sabi niya kasi sa akin na kukunin niya ako dahil magpapasama siya sa kabilang bayan.
"Hindi ng boyfriend mo?" Tanong ni Prezy, halatang nang-aasar. I laughed a little at her question.
"Alin doon?" I asked raising my brows. They laughed at my question.
"Ay winner ka doon 'te!" Ani Millie. "Pero usap-usapan na boyfriend mo ngayon ang apo ng gobernador ah! Si Marlon?"
"Oh? Talaga ba? I think he is just flirting, hindi ko naman alam na kami na pala?" Tanong ko. Totoo naman kasi na flirt-flirt lang iyong amin ni Marlon. Tumawa naman si Millie at Yvon.
"No way! So you're saying na gawa-gawa lamang ni Marlon na girlfriend ka niya?!" Yvon asked, shocked. "So nagsisinungaling ang apo ng gobernador? Oh my god Le'! Ikaw na talaga!"
I shrugged.
"Siguro seryoso talaga iyon sa iyo kasi bakit naman hindi? Pinagkakalat pa nga na kayo na eh," ani Millie.
"Ayaw ko na pinagkakalat ako kaya sana tumigil na iyang si Marlon sa kahibangan niya," I said. They went silent for a bit pero tumawa rin kalaunan.
What? Is that unexpected from me?
"Baka naman kasi seryoso sa iyo Le'," sabi ni Prezy na nakapagulat sa akin. Natahimik ako ng ilang sandali at ganoon na rin yata si Yvon at Millie. Prezy was serious now that made me awkward. Why is she serious?
"H-hindi ko alam. Hindi naman ganoon," sagot ko habang maingat siyang tinitingnan. She was serious but after a minute ay ngumiti rin naman at tumawa. I let out a laugh, akala ko seryoso siya!
What a relief!
"Oh sige, mauuna na ako sa inyo. May traysikel na," paalam niya sa amin. Pinara niya ang traysikel at kumaway sa amin bago sumakay. Sinundan ko ng tingin ang traysikel na sinasakyan niya. I am wondering why was she serious for a minute. I thought she will be damn serious for long, buti na lamang at hindi. Nakakakaba naman! Na-offend ko ba siya or something? Sana hindi, wala namang nakakaoffend sa sinabi ko.
"Mauuna na rin kami sa iyo Le' ah. May bibilhin pa kasi kami Millie sa bayan," paalam ni Yvon. Tumango naman ako at sinuklian na lamang sila ng ngiti.
"Sure ka hindi ka pa uuwi? Sisiputin ka pa ba ng kaibigan mo?" Paniniguro ni Millie na tinawanan ko na lamang.
"Of course pupunta iyon. Don't worry Millie and head your way na. Ingat!" Sabi ko at kinawayan na sila bago sila sumakay ng traysikel. Tinitingnan ko ang papalayong traysikel nang nakita ko si Regis na nakatayo ilang metro lamang ang agwat sa kinatatayuan ko. My smile immediately faded.
Siguro nag-aabang rin ng masasakyan. I did not mind his presence at binalingan na lamang si Migs na pinapara ang sasakyan na papunta dito.
"Oh siya, mauuna na ako sa inyong dalawa! Bye!" He said before getting inside the car.
My phone beeped for a message. It's Jay.
From: Jay
Sorry for the late reply, fren! Papunta na ako, wait ka lang.
I sighed at her reply. What took her too long? Gusto ko ng umalis, now na!
"You're oblivious, do you know that?" Regis asked.
I looked around, baka may ibang kausap o hindi kaya'y may kausap sa phone pero nakatingin lamang siya sa kabilang kalsada. Sinong kausap niya?
"Are you talking to me?" I asked pointing at myself just to be sure.
"What do you think?" He countered. Awtomatikong tumaas naman ang isang kilay ko.
"Parang hindi sa akin ang tanong." I mocked.
He scoffed at my remark.
"Stupid. Bakit naman kita tatanungin ng tanong na hindi mo masasagot?" He asked, a bit annoyed now. My mouth fell at what he said. Lumobo kaagad ang iritasyon ko sa kanya.
"Did you just call me stupid?!" I asked, very annoyed.
"Answer my question then," hamon niya. I sighed. Gusto ko siyang sipain papunta sa Mars na hindi na niya gugustuhing bumalik pa dito sa Earth!
"I am very aware of my surroundings! Bakit sa tingin mo ang dami kong kaibigan ha!?" I answered crossing my arms, facing him.
"Hindi mo man lang alam kung bakit gano'n ang reaksyon ni Prezia and you're claiming that you are very aware of your surroundings? I think you are not." He said.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit nasali si Prezy dito? Sure, hindi ko alam kung bakit ang seryoso bigla ni Prezy kanina pero bakit naman niya malalaman iyon? Ako nga na mismong kaibigan hindi alam, siya pa kaya na walang pakialam?
"I don't know what you are saying. Nonsense shit." I said.
He stayed silent for a moment so I took that as an opportunity to say more. "You know what? Get a girlfriend or something para naman hindi ka ganyan ka moody."
He faced me now and his forehead creased.
"Bakit nasali ang paggi-girlfriend dito?" He asked. His whole attention is on me now.
"Look at me. I have boyfriends kaya hindi ako ganyan ka moody unlike you," I said proudly. Ha!
"With 's' huh?" He whispered pero tama lamang para marinig ko. Yes with 's' dumbass! Saan ka ngayon? Kalalaking-tao ang usisero! Why would he meddle? It's not his concern anyway.
He got his keys on his pocket at pinaandar na ang motor na nakapark sa likod ko na di ko man lang namalayan kanina. Nakamotor pala siya, bakit pa siya nagpaiwan at nang-iinis!? Akala ko ba hate niya rin ako?
"Playgirl," he said bago niya pinaandar ang motorbike niya at nagpaharurot.
Damn! Ang itim ng usok, change oil naman erp! Sinadya talaga niyang bugahan ako ng usok sa motor niya para lang mas mainis ako. Sagad na sagad na ako sa'yo! Inis na inis na talaga ako sa lalaking iyon! Bwiset na Cuevas!
____________________________________________________