"Wow bihis na bihis ah! Saan ka nga ulit pupunta?" Ayeshian asked with a hint of tease. Ang aga niya dito sa bahay, hindi pa nga pumuputok ang araw ay nagkakape na siya sa teresa. Nagising tuloy ako nang kinatok ako ni Benda sa aking kwarto para ipaalam na nandito ang kaibigan ko. "Kung umuwi ka na lang kaya kung puro pambibwiset lang naman pala ang gagawin mo," I said after rolling my eyes habang pababa ng hagdanan. Her eyebrow raised when she surveyed me from head to toe. "Mabuti naman at pumayag ka ng makipag-date," she said as she sipped on her coffee. I shrugged and picked up my car keys placed on the small table in the living room. "A client arranged me for a date with her inaanak. I can't refuse." She put her cup of coffee on the center table and leaned on the sofa whil

