Chapter 21 Clarion Gonzales' Point of View "Clarion." Napatingin ako kay Terrence. Kapapasok lang niya ng aming classroom at naupo na sa tabi ko. "Bakit?" tanong ko. "May assignment ka na ba sa Ed Math 1?" tanong niya at napakamot sa ulo. Bahagya akong natawa sa reaksyon niya. I know, nahihiya siya pero alam ko naman na medyo hirap siya pagdating sa subject na Math, lalo na kapag trigo na at algebra ang topic. Buti na nga lang at wala kaming calculus. "Mayroon, kaso nasa locker ko pa eh," sagot ko. "Mangopya sana kasi ako. Alam mo naman, hirap ako sa math." Napangiti tuloy ako. Students stuffs. Estudyante problems. "Okay! Kukunin ko lang. Malakas ka sa akin eh!" sabi ko at tumayo na ako. "Thanks! You're the best talaga!" "Sus! Tama na pambobola! O, wait lang. Kunin ko lang sa loc

