Chapter 3

1151 Words
Chapter 3 Charlene's Pov Nagulat ako ng bigla may yumakap sa akin. Tawang-tawa siya hinarap ko. "Nakakainis ka." Sabay palo ko sa kan'ya . "Kanina ka pa nandito?" Hindi niya ako pinapansin nakayakap lang siya akin. Hinarap niya ako. "Namiss lang kita love ko. Alam mo ba lagi kita iniisip parang ayaw ko ng umalis. Gusto ko araw-araw kita nakikita." Tiningnan ko siya masama. "Anong ka ba? Isang-taon na lang gagraduate ka na. Isa pa ngayon ka pa titigil kung kailan pinaghirapan mo." "'Yon na nga eh! Parang ang tagal gusto ko na makasama ka. Gusto ko na magpakasal na tayo love ko. 'Yong bang ikaw 'yong una ko makikita pagkagising ko sa umaga tapos pagsisilbihan mo ko parang ako lang baby mo. Tapos alam mo lagi ko iniisip pag-uwi ko galing sa work ko, 'yong sasalubungin mo ako ng halik at yakap di ba para mawala pagod ko tapos kasama natin 12 anak." Sabay hampas ko sa kan'ya. "Anong 12 ka riyan! Akala mo naman madaling manganak. Ikaw kaya manganak ng maranasan mo." Tawang-tawa pa siya nakayakap. "Ok lang kung kasama naman kita pag-gawa." Pabulong niya sinabi sa'kin. Tinawanan niya pa ako. Inirapan ko lang siya. "Ewan ko sa'yo puro ka kalokohan. Do'n ka na nga sa mga kaibigan mo." "Ito naman si love ko pinapaalis na ako. Ikaw gusto ko kasama .Hayaan mo na mga 'yon. Lagi ko naman sila nakakausap. Ikaw importante sa akin ngayon. 5 days nalang back to school naman ulit kami. Basta love ko hindi mo ako ipagpapalit ha!" Natawa ako hinarap si Edmon. "Anong ba pinagsasabi mo! Hindi kita ipagpapalit o baka ikaw may iba. Alam mo, ok lang naman sa akin kung may iba ka na. Tatanggapin ko naman ang akin lang 'wag mo naman ako lolokohin sabihin mo ng maaga bibitawan naman kita, kahit masakit handa akong gawin para sa kaligayahan mo. Mas masakit 'yong matagal mo na pala ako niloloko 'yon ang hindi ko matanggap." Hindi ko napigilan umiyak sa harapan niya. Nadala ako feeling ko totoo. "Edmon, mangako ka please! 'Wag mo gawin 'to sa akin. Ikaw lang minahal ko hindi ko alam kung kaya ko pa magmahal." Bigla niya ako niyakap. "Tahana hindi mangyayari yan, ikaw lang babae mamahalin ko. Alam mo 'yan! Ikaw buhay ko. Bakit ko gagawin 'yan. Hindi ako katulad ng iba riyan, kahit wala sa tabi mahal nila gagawa ng kalokohan.Tandaan mo hanggang nabubuhay ako ikaw at ikaw ang pipiliin ko makasama habang buhay. Nangangako ako hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Basta 'wag lang tayo bibitaw sa isat isa." Hinawakan ni Edmon mukha ko dahan-dahan dinikit niya labi niya sa labi ko. Nakapikit ako sabay yakap sa kan'ya. "Salamat ha!" Sabay tawa naming dalawa. "Alam mo parang sira tayo dalawa." "Ikaw kasi love ko ang drama mo kasi!" Sabay ampas ko kay Edmon. "Ikaw kaya. Tara na!" Sabay hila ni Edmon sa akin. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kan'ya. "Uupo lang sa damuhan." Pagkaupo namin sabay higa niya hita ko. Nakatingala lang kami sa langit. "Ang ganda ng bituin love ko parang ikaw lang 'yong kumikislap. Pag hindi kita kasama tinitignan ko lang 'yan parang lumiliwanag na buhay ko. Sa dami-dami ng bituin, ikaw lang nag-patigil sa akin." Nakatitig ako sa kan'ya natawa. "Kung ako ang kumikislap ikaw naman ang nasa tabi ko parang magnet dala-dala kaya napalapit ako sa'yo. Sana lagi tayo magkadikit dalawa." "Wish tayo love ko. Tuparin natin dalawa 'to." "Sana tayong dalawa forever hindi maghihiwalay at magkasama sa hirap at ginhawa. Tumanda man tayo lagi pa rin tayo magkasama. Promise natin sa isa't-isa." Sabay hawak kamay kaming dalawa. 143 love ko, 3 Words and 8 Letters. "Corny mo." "Corny ka riyan shortcut kaya ng I Love You cute kaya." "Corny kaya!" Sabay tayo ko. Nakatingin na ako sa relo ko. Tumayo din si Edmon. "Bakit?" "Naku! Baka hinahanap na ako ng brother ko 10:30 na." "Wala naman pasok friday. Andito lang tayo sa park malapit sa inyo.Tara na nga, basta kita tayo bukas ha!" Tahimik lang ako hindi na ako sumagot magkahawak kamay kaming dalawa naglalakad papunta sa bahay ko. Pagkarating namin hinarap ko siya. "Salamat. Ingat ka." Sabay halik ko sa kan'ya. Niyakap lang niya ako natawa. "Mag-ingat ako para sa'yo." Sabay alis niya. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang papaalis ng malayo na siya pumasok na ako sa loob. Parang may naririnig ako maingay pa tingin-tingin ako lumapit ako sa kusina. Nagulat ako may nakita ako mga tao hindi ko makita si Charls. Napalapit ako sa kanila. Nagulat sila pagkakita sa akin. Akala niyo naman nakakita ng multo patingin-tingin ako sa mga mukha nila, hindi man lang nagsasalita isa sa kanila. "Oh! Ate nandito ka na pala kamusta lakad mo?" Napatingin ako sa likuran ko nakita ko si Charls tawang-tawa habang ang mga kasama niya tahimik lang sila. Lumapit ako kay Charls sabay yakap ko sa kan'ya. "Oh ate! Nakakahiya naman sa mga kasama ko." "Ate mo 'yan?" Napatingin ako sa naka red. "Oo bakit? May problema ba Nate?" "Tangina Charls, mukha mo ate mo 'yan ang ganda!" Natawa ako kay Nate sabay batok ni Charls . "Anong tingin mo sa akin pangit. Magkamukha kaya kami ni ate, di ba ate?" "Kalokohan mo." Sabay sabi nilang lahat tinawan lang nila si Charls. Natatawa na lang ako sa mukha ni Charls nakasalubong dalawang kilay. "Ipakilala mo naman kami Charls sa ate mo?" Ang kulit ni Nate. Lumapit ako sa kanila ako na nagpakilala. "Ako si Charlene ang ate ni Charls. Sa totoo lang ampon lang si Charls." Natawa ako nakasimangot ulit si Charls. "Ampon ka lang pala." Asar sabi ni Nate kay Charls. "Ate ako si Nate ang pinakaguwapo sa pagkakaibigan. Ito naman si Joshua ang pinakaplayboy sa amin." Napatingin ako sa tinuro Joshua. Lumapit si Joshua kay Nate sabay batok. Natawa ako sa kalokohan nila. "'Wag ka maniwala ate. Ako pala si Joshua." Nakipag-kamay siya sa akin. Lumapit din sila Bryan, Macky at si Jaydee isa isa nagpakilala. Nakipag-Kamay din sila. "Ate pasensya ka na, hindi ako nagpaalam sa'yo sila kasi kinukulit nila ako. Bonding daw kami rito." Natawa ako kay Charls. "Okey lang bunso, basta walang gulo ha! Sige na mauuna na ako sainyo magpapahinga na ako. 'Wag kayo maglalasing, Kung hindi na kaya 'wag na umuwi lasing puwede naman kayo rito." "Talaga ate hindi ka galit?" "Bakit naman ako magagalit bunso?" Natawa ang mga kaibigan niya. "Kasi ate-" Hindi matuloy tuloy ni Charls sinasabi niya." Kasi ano-?" "Anong kasi si Jaydee kasi inubos niluto mo adobo." Natawa ako sa bunso ko. Alam na alam niya kasi na favorite ko adobo nag-pahabilin ako sa kan'ya tirahan niya ako. "Sorry ate ang sarap kasi hindi ko mapigilan ubusin." "Ok lang, busog pa naman ako. Sige na pahinga na ako. Maiwan ko kayo." Iniwan ko sila. Tawang-tawa ako narinig kong sisihan nila. Bago ako matulog naligo muna ako pagkatapos ng pag aayos ko sa sarili ko tulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD