Chapter 8

1245 Words
‘That is how you clean’   JIN   I was staring at my computer for almost three hours now. Kuya Enzo made some printing mistakes on the papers so I had to revise each one of them. Napailing nalang ako. Kuya Enzo must be so busy he didn’t notice the mistakes. Maybe it’s not a bad thing these folders fell into the wate—   “Ahh~” I dropped my pen at grabbed hold of my hair. Coming back here was a major life twister. And going to that Lei Ara sh*ty academy is a pain in the a*s. Naalala ko kaagad ang mukha ni Joshua kanina na nakatitig sa akin.     -- “Josh! Hintayin mo ang Mommy!” I was just looking at Joshua who was running away from his Mom. Nandito ako sa terrace ng bahay.. looking at his Mom who was running with her robe on. Under her robe were just underwears.   “I hate you, Mom! I hate you!” Tiningnan ko lang ang mga luhang tumulo sa mga mata ni Josh habang lumalayo sa Mommy niya. Sandali akong umusog sa gilid when I felt my Dad was near me. May hawak siyang glass wine at nakaroba lang din tsaka nakatingin sa mag-inang nag-aaway.   “Why did you do it, Dad?” Tanong ko. I know he only did it para masira ang pagsasama ng ama at ina ni Joshua. Our fathers are not in good terms. Dad seduced Joshua’s Mom. And his Mom fell into the trap. Naabutan ni Joshua ang Mommy niya at si Dad na hubo’t-h***d sa kwarto ni Dad. Dad planned it all along. Isa sa plano niya ang makita sila ni Joshua.   “It’s all man things, Jin. You won’t understand.” Umalis na siya sa gilid ko at nanatili akong nakatingin kay Joshua na nilalayuan ang Mommy niya.   --   I never hated Joshua. He was a victim. I hated my Dad. Pero gaya ng sinabi ko.. kapag isasali niya ako, I won’t give a sh*t anyway.   **   I woke up from my ‘only thirty minutes’ of sleep at nag-ayos na. Maaga akong nagpahatid kay Manong Dee sa office ni Dad dun sa company niya. “Ma’am Jin, parang puyat po kayo?” Tumingin lang ako kay Manong Dee at ngumiti. Pagdating namin sa company ni Dad ay dumiretso ako sa lobb—No, way. Totoo nga? Tumatambay nga si Hani dito?   “Huy!” Lumapit ako sa kanya at nabigla siya nung makita ako. “Jin! Ginulat mo ako!” Hinila niya ako paupo sa tabi niya at tumingin dun sa counter. ‘Yung lalaki sa counter nga ba ang hinihintay niya o si Kuya Enzo?   “Jin, b-bakit parang puyat ka?” Tumingin lang ako kay Hani at nagkibit-balikat. Don’t wanna answer obvious questions. Bigla nalang niya ang pinalo. Aray! Bakit ba?!   “Pinagpuyatan mo na naman ba ang mga pap—“ Hindi ko na siya pinatapos pa at tinakpan ko na ang bibig niya. People might here us! Pinanlisikan ko lang siya ng mga mata pero nagtaka ako nung bigla niyang tinuro ‘yung ilong ko. Agad niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at mabilis niyang tinakpan ng panyo ang ilong ko. That’s when I knew my nose was bleeding. Nakatikim na naman ako ng hampas kay Hani. Aish!   “Sabi nang ‘wag kang magpupuyat!” Nag-peace sign lang ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya.   “What time is your class?” Tanong ko nung parang tumigil na ang pagtulo ng dugo sa ilong ko.   “Malapit na. Ikaw?” Tumingin lang ako sa wrist watch ko.   “I’ll skip. I need to attend the meeting.” Tumango lang siya sa kain at sakto namang dumating na sina Kuya Enzo at ang mga body guards niya. Bigla namang tumayo si Hani at tumakbo na palabas. Baliw talaga. Pinasadahan lang ako ng tingin ni Kuya Enzo at umalis na. We can’t be seen together in public kaya mahina akong sumunod sa kanila habang hawak-hawak ang mga folders. Pagdating namin sa AVR room, casual kong binigay sa kanya ang folders sa umupo sa upuan ko. Nakita kong binuksan niya kaagad ang folders at nagtaka pa nung napansin niyang nabago ang laman. Nag-ok sign lang ako at tumango nalang siya. Kinuha niya ang flashdrive sa loob at nagsimula na sa presentation niya. Dumating na si Dad at lumapit sa akin sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko siya binati kaya umupo na siya sa upuan niya.   “Start your presentation.. Mr. Fuentes.” Hindi ginamit ni Kuya Enzo ang apelyido ni Dad. Who would want to use his surname? I even resent it. Nagsimula na si Kuya Enzo sa presentation niya. It was going good. Nakikita ko ang pagkamangha ni Dad sa presentation niya habang tumitingin sa folders na narevise ko. Pumalakpak sila nung natapos na ang presentation ni Kuya Enzo. Usually, kapag ako ang nagpreresent, I never hear a single clap. Or even get a smile. Ngayon.. ngumingiti na si Dad at pumapalakpak pa. Napalunok nalang ako at yumuko.   “Well done, Enzo. Well done. The contents of this folders are perfect. I’m looking forward to do business with you.” What Dad said made a very big hole in me. I can’t hate Kuya Enzo for presenting something that I did. It was my fault that his folders got wet. Umuna na akong umalis kahit hindi pa sila nagsitayuan. Mabigat ang pakiramdam ko nung pumasok ako sa kotse.   “Okay ka lang po ba?” Tanong ni Manong Dee. Tumango lang ako at nagpahatid sa school.   **   Walang gana akong bumaba ng kotse at pumasok kaagad sa campus. Pag-apak ko palang sa brown na semento ng gate.. may nagtapon na sa akin ng itlog.   “Happy birthday, loser!” “It’s your first day being the target!” “Good luck on you stay!”   Hindi ko na nabilang kung ilang itlog ang tumata at nabiyak sa ulo ko pati sa pisngi ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko dahil sa itlog na tumama nito. My bag feel off my shoulders unto the ground. Nung tumigil sila sa pagbabato..   “Guys, linisin niyo naman!” Nagtawanan sila at dun ko lang naramdaman ang malamig ng tubig na tumata sa akin. Tatlong lalaki ang mga hawak ng hose at pinapaliguan ako ng tubig. Lumingon ako sa guard at dun ko lang nakita na inuunder na siya ng mga studyante ng paaralang ito. This school is filled with freaks.   “Woah~ Woah~ Nahuli ba kami?” Narinig ko kaagad ang boses ni Joshua.Nanatili akong nakayuko habang nakatingin sa sapatos kong basang-basa na. Isa sa mga alipores ni Joshua ang kumuha ng bag ko at nilaglag ang lahat ng laman nito sa ground. Kasama sa mga nalaglag ang macbook ko. Lumapit si Joshua doon at binuksan ito. Ang sunod niyang ginawa ay ang buhusan ito ng tubig. Nagtawanan silang lahat. Parang tuwang-tuwa sila sa nakikita nila. Sa hindi kalayuan, nakita ko ang tatlong ‘yun na nakatingin. Hunter was smiling.   If you smile. I smile.   Ngumiti ako.. dahilan para kumunot ang noo niya.   “Joshua. Are you done?” Biglang napatayo si Joshua at tumingin sa akin. Kinuha ko ang hose na hawak niya at binuhos ito sa ulo ko. I was taking a shower under a hose in front of everybody.   “You fools don’t know how to clean.” Pinakita ko sa kanila kung paano ko linisin ang sarili ko gamit ang hose. My body.. my clothes.. my hair.. was dripping wet. But I am clean. Ginulo ko ang basang kong buhok at hindi ko alam kung bakit natameme si Joshua. Oh wait~ Was he charmed?   Huh! Ngumiti lang ako sa kanya at lumapit sa macbook ko. Kinuha ko dito sa installed hard drive kung saan nakasave ang lahat ng files ko. This baby is waterproofed. Lumapit kaagad ako kay Joshua at sinipa ang tuhod niya sabay kuha ng jacket na suot niya. Sinuot ko kaagad ito at namulsa. I looked at everyone who was looking at me with disbelief.   “That is how you clean.” --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD