Dahil sa ginawang mga test sa kanya ay bahagyang na-late si Daneliya sa meet-up nila ni Hercules kinagabihan. Halos liparin ang kahabaan ng EDSA makarating lang sa restaurant na napag-usapan nila ng binata. "I'm sorry, I'm so sorry." Sa unang pagkakataon yata ay nagawa niyang humingi ng paumanhin ng bukal sa puso. Isa at kalahating oras siyang late pero nakapagtatakang ni hindi ito umalis sa kinauupuan. Bahagya nalang napansin ang ibang aura nito dahil sa suot na jeans at polo-shirt. Bumakat ng bahagya ang matipunong mga muscles sa manggas ng suot. Medyo out of place knowing na fine-dining ang kinaroroonan pero bumawi naman sa angking kakisigan. "At least ay sumasagot ka man lang sana ng tawag." Hindi maipinta ang itsurang turan nito. Nangapal ang pisngi dahil sa pagkapahiya. Dahil sa

